Time check: 5:35am.. Halos nasa capitolyo na ang mga bata kasama sila maris. Hinihintay ang inarkila nilang escartion bus.
"manong wala pa ba?", tanong ni pastor joseph sa driver nya. Eto kasi ang nagrekomenda sa bus na gagamitin nila.
"malapit na daw po pastor.. 5mins." sabi ni manong na nagkakamot na ng ulo.
"ok,.. We need to go around 6am, medyo malayo din ang zambales, " sabi ni pastor.
"ayan na pala!". Sabay turo sa bus na paparating sa kanilang pwesto.
"oh, manang solis, paki assist na lang po ang mga bata sa pagpasok ng bus" bilin no pastor
"maris, hija, asan na sila nichole at manolo" tanong ni pastor kay maris.
"ayun po sila nichole at manolo, bumibili ng nilagang mani" turo ni maris sa dalawa, hindi kalayuan sa kanila.
"si daniel? ", tanong nito.
"hindi po ba nagtext sa inyo?", sabi ni maris.
"hindi naman po nagpaparamdam sa akin" dagdag pa nito.
"well, so far hindi, can you call him hija?.. Nasa kay manang solis na ang gamit ko, i put my phone in my bag" uto ng pastor kay maris.
"ah, cge po, wait lang.." sabi ni maris sabay dial sa number ni daniel.
"hello?"... Sagot ng nasa kabilang linyo
"kuya daniel, nasan ka na daw ba?, andito ung bus!", sabi ni maris.
"anjan na bata, isang kanto na lang, nag commute lang ako" sabi ni daniel.
"Sige, sige, sabihin ko na lang kay pastor,.. See u!" sabi ni maris ay binaba na nya ang tawag.
"malapit na po sya pastor," sabi ni maris.
"cge, sakay na kayong tatlo sa bus" sabi ni pastorcna ang tinutukoy ay si nichole manolo at maris.
"ayan na po pala si daniel" sabi ni manolo ng makita nya ang binata na tumatakbo papalapit sa kanya.
"sorry po pastor, nagcommute lang kasi ako, i dont know the timing kpg commute" medyo hingal na explain ni daniel.
"no worries, u are just in time" sabi ni pastor,
Sumakay na ang apat, nauna si nichole at manolo, sumunod naman si maris at daniel.
Kalahati na ng bus ay puno na ng mga bata, sa bandang dulo na lang ang walang nakaupo.
Umupo si nichole at manolo, magkatabi.
"sir daniel, jan na lang kayo ni maris sa likod, bakante pa yan", sabi ni manang solis, tinuturo ang upuan sa gawing likuran nya.
"ok po, salamat manang," sabi ni daniel na nakangiti.
"oh, mauna ka na,.. Maris", alok ni daniel kay maris. Nakangiti ito.
"salamat kuya," umupo na si maris sa window side ng upuan.
Inayos muna ni daniel ang bag na bitbit nya, bago umupo.
Pabagsak na iniupo nya ang katawan sa tabi ni maris.
" good morning bata!", bati ni daniel kay maris.
"good morning tanda!", mahinang sagot ni maris, nakangiti.
Nagsimula ng umandar ang bus. Halos masayang masaya ang mga bata. Habang byahe ay nagkakantahan pa ito. At nagpapalaro si pastor ng pinoy henyo. Pero ng mapagod at ng makaramdam ng antok ay natahimik ang buong bus.
Tiningnan ni daniel ang mga bata sa unahang bahagi ng bus, halos lahat ay tulog, si pastor joseph lang ang nakita nyang gising na kausap ang driver. Tumingin sya sa gawi nila nichole at manolo, tulog din ito, nakita din nya na halos mahulog na ang ulo ni manang solis sa sinasandalan nito... Tulog din.
Tumingin ito sa katabi nya, gising ito at nakatingin sa labas ng bintana.
"bata, why are u not sleeping?", tanong ni daniel
"hindi naman ako inaantok" sabi ni maris, nakatingin pa rin sa dinadaan nila.
"ah ok,... Tulog muna ko ah.. " sabi ni daniel
Hindi sumagot si maris, hindi din nya tiningnan ito. Kumakabog kasi dibdib nya, everytime she saw this guy, naalala nya ung eksena sa gripo. Ang buong detalye. She need to talk to this guy.
Maya maya may biglang pumatong sa balikat nya. Ng tingnan nya ito, ulo ni daniel, nakatulog na pala sa sobrang byahe.
Hindi nya alam kung ano ggwin, gigisingin ba nya ito or hahayaan na lang. Kinikilig sya sa hitsura nilang dalawa. Gusto nyang hawakan ang ulo ng binata dahil nahuhulog ito sa sobrang antok siguro.
"andito na tayo!", sigaw ni pastor joseph, habang pumapalakpak.
"gising na mga bata!", dagdag pa nito.
Nagsitauhan na ang mga bata. Tumayo na rin sila manang solis, nichole at manolo. Hindi sya makatayo dahil tulog pa rin si daniel.
"grabeh naman pala matulog itong tanda na ito.".. Uy,.. Kuya daniel!, andito na tayo!" sigaw ni maris sa katabi.
"ay, inahing palaka!",. Gulat na gulat si daniel.
Hahahahahahahahaha..... Nagkatawanan sila nichole at manolo sa narinig, natatawa din si manang solis habang inilalagay ang bag sa balikat.
Namula naman si daniel, hindi nya akalain na makakatulog sya ng mahimbing sa byahe.
"sorry, nagulat ako!", nakatawa habang nagkakamot ng ulo si daniel.
"hahahaha, hitsura mo kanina!", tawa ng tawang sabi ni maris.
"tara na nga, baba na tayo!". Sabi ni daniel sabay lakad palabas ng bus.
BINABASA MO ANG
Telephone (COMPLETED)
FanfictionMay mga bagay sa mundo na lagi tayong napa-puzzle, tanong na walang kasagutan at buhay na walang kasiguraduhan pero ang mga ito ay nagbabago ng dahil sa Pag-Ibig... Yes LOVE.. it consist of 4 letters but it can change the 100% of being you. People m...