Chapter 7: The Racal Family

625 11 0
                                    

"anak, maris... Desidido ka na ba jan?" tanong ng papa ko.

Parang hindi sya makapaniwala na sa Bulacan ako magkokolehiyo, habang nasa garden kami ng aming 2 storey house, nakaharap kami sa swimming pool, nakatingin ako sa bughaw na kulay ng tubig sanhi na rin ng tiles ng pool. Hindi ko na maintindihan kung ano ano pa ang sinabi ni papa sa akin.

"pa, i want to swim,.." mahina kong paalam kay papa.

Natigilan ang papa ko sa pagsasalita.

"hay naku bata ka. Sa dami dami ng sinabi ko, yan lang sagot mo?!", napapailing nitong sabi.

"sige na, magpalit ka na ng damit panligo, ayain mo na rin si ashley ng malibang naman." sabi ni papa.

Tumayo na ko sa garden set table. Iniwan ko si papa, gusto ko talaga maligo, kasi parang papatak ang luha ko, at ayokong makita yun ng papa ko.

Inaya ko si ashley na mag-swimming, agad naman itong pumayag. Tutal sabado naman, wala kaming pasok, madalas kasi kapag weekends kumpleto ang pamilya. Nakagawian na namin yon. Kung hindi out of town, nasa bahay lang kami lahat. Bonding kumbaga.

Si ate pat age 30, may pamilya na nakatira sa kabilang subdivision. Every weekends na lang din sya kung pumunta d2 sa bahay namin kasama ang pamangkin kong si echo, 2 years old.

Si ate kris age 27, ng dahil sa trabaho nya bilang professional photographer, kung san san lugar nationwide and even other country sya nagpupunta, ayaw magsettle down khit matagal na sila ng boyfriend nya kasi daw, hindi pa nya nalilibot ang lahat ng bansa sa mundo... Minsan ang weird mag isip ng ate kong yon.

Sumunod ako.. Malaki ang agwat ko kay ate kris dahil nagkaroon ng ibang babae si papa noon, siguro dahil na rin sa trabaho at business nya. Pero hindi sya sinukuan ni mama, dun ako hanga sa tatag ng loob ng mama ko. Sa kabila ng nagawa ni papa, pinatawad at tinanggap ulet nya ito.

8 years ang tanda ni papa kay mama, pero nasasabayan ni mama ang ugali ni papa.

At si ashley, ang bunso kong kapatid. nasa grade 6 na. Sya ang halos kasama ko sa bahay. At ngayon weekends, masaya ako dahil kumpleto ang pamilya namin.

"splash!!"".. Sabay kaming apat na tumalon sa swimming pool,

"eeeee,... Ang lamig ng tubig!", sigaw ni ate pat, sabay silang dumating ni ate kris kanina habang nagpre prepare kami ni ashley ng pampaligo.

Napuno na naman ng tawanan ang bahay namin ng araw na yon, nag-iihaw si papa ng food namin habang si mama ay inaalagan si echo. Dahil malalaki na kami kaya sabik sa bata si mama.

" oh mga anak, kain muna kau ng barbeque," sigaw ni papa sa amin.

"tara mga sis, aya ni ate kris sa amin.

Umahon muna kami sa swimming pool, para magmieryenda. Sabay sabay kami kumuha ng barbeque, si ashley, pinili ang hotdog.

Sabay sabay kaming umupo sa garden set table malapit sa pool.

"musta ka na maris?" tanong ni ate pat sa akin habang kinakagat ang barbeque.

"ok naman ate, bakit mo naman natanong?" Tanong ko.

"nag aalala lang ako, syempre malalayo ka na sa amin". Patuloy pa nito.

"naman ate, e bakit si ate kris, di rin naman sya madalas na umuwe d2 ah, " sabi ko.

"iba naman ako mars," sabad ni ate kris.

"by profession ako, kaya ako umaalis, at saka dito ako sa davao nag college noh." pagtatanggol ni ate kris sa sarili nya.

"wag nyo nga pagtulungan si maris, patrina.. Kristina".. Saway ng mama ko.

"hayaan nyo sya sa desisyon nya, alam ko naman

na kaya na ni maris ang sarili nya dun sa bulacan ".. Paglalahad ni mama

"malalayo sya sa atin, pero alam ko, sa atin mga puso and2 lang sya." maluha luhang sabi ni mama.

" si mama telenovela lang ang peg!".. Tawang sabi ni ashley.

"hahahahahahaha" tawa namin lahat.

Telephone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon