Chapter 27: Project 101 model pt. 2

410 12 0
                                    

"manolo, eto na si kuya daniel!", sigaw ni nichole dito

Tumingin si manolo sa gawi nila, kumaway ng makita si daniel na bumaba sa kotse. Kumaway din ito dito.

"good morning ladies!", bati ni daniel kay nichole at maris, habang tinatanggal ang shades nito.

"good morning kuya daniel, upo ka na dito sa tabi ni maris ng malagyan na rin kita ng foundation sa mukha. " aya ni nichole sa binata.

Umupo naman ito. Tumingin kay maris, nakangiti.

"musta bata?", tanong nito sa dalagita.

"im ok, sagot ni maris, tumingin sya kay daniel, and she smiled back.

" na-miss kita bata!", walang Alinlangan sabi ni daniel. Namula naman ang mukha ni maris.

"ehem... Ehem... May ibang tao dito.. Ehem ehem.. Im still here, narinig ko yun!", sabi ni nichole.

"i mean, i missed maris, sa mga praktis namin," paliwanag ni daniel.

"palusot ka pa kuya!" sabi ni nichole... If i know..

"if you know what?", pagmama-ang maangan ni daniel.

"stop it nichole,  let start na nga ng matapos na ito.

Tumayo na si maris, pumunta kung san naka pwesto si manolo.

"ok, guys.. We will start by solo shots muna. Unahin na natin si maris and after si kuya daniel, then last part is kayong dalawa." explain ni manolo.

Nag start na si maris mag project. Nakatingin lang sa di kalayuan si daniel. Pinagmamasdan nyang mabuti si maris. Sa ilan araw nyang hindi nila pagkikita na-miss nya ito ng sobra kaya hindi sya nakapagpigil na sabihin ito sa dalaga.

Balak na nyang aminin ang nararamdaman,  humahanap lang sya ng tiempo.

Tamang - tama, kausap nya kanina sa telephone si pastor joseph,  inaya sya at si fourth sa camp ng mga kids sa zambales. Natawagan na rin nya si fourth pra ikumpirma kung sasama ito, pero tumanggi si fourth dahil naka leave ang chef nila at sya ang magte-take over. Kaya naisip ni daniel na sa zambales na lang sya aamin ng pagmamahal kay maris.

"oh, kuya daniel ikaw naman!" tawag ni manolo dito.

Tumayo na si daniel para pumunta sa pwesto ni manolo, at si maris naman ay papalapit sa kanya, pabalik sa lugar kung saan sila naka upo kanina.

Nang matapat si maris kay daniel, bumulong si daniel.. Mahinang mahina.

"bata... Pwede ba kitang mahalin?",. Halos pa hummed na sabi ni daniel.

Napahinto si maris sa paglakad, tumingin sa nakasalubong na si daniel. Pero hindi huminto si daniel. Hindi rin tumingin sa kanya.

"hmm... Bka imagination ko lang yun." kibit balikat na sabi ni maris.

Pero khit mahina, dinig n dinig hindi ng tenga pero ng puso nya ang mga katagang iyon. Subalit hindi sya sigurado.

"pwede ba kitang mahalin?",

"baka naman kumakanta lang sya". Isip ni maris at nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa upuan nya.

Habang nagpho-photoshoot sila daniel, napapansin ni maris na panay ang tingin ni daniel sa kanya. Pero this hindi bumababa ng tingin si maris. Nakikipagtitigan din ito sa lalaki.

Gusto nyang makita sa mga mata nito ang sagot sa mga tanong nya. Maamo ang mukha nito na nababagay talaga sa matipunong pangangatawan. 

Kung tama man ang pagkakarinig nya, "oo, kuya daniel,... Pwede mo kong mahalin.." sa loob loob ni maris.

Telephone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon