Chapter 11: New World.. New You

633 15 2
                                    

"hoink!.. Hoink!"

"anjan na!.. "nagmamadaling nagbibihis si Fourth,. Naghihintay na kasi si daniel sa labas ng bahay nila.

"tol naman, ang aga naman kasi ng call time, " nagrereklamong sabi ni Fourth habang binubuksan ang gate nila.

"sarap sarap matulog kapag ganitong araw eh," dagdag pa nito.

"we need to go there early para naman may time tayo na makipaglaro sa mga bata na andun" paliwanag ni daniel habang pasakay ulet ng kotse.

Lumabas kasi sya ng kotse kanina habang hinihintay si Fourth.

Sumakay na rin si Fourth sa kotse nito. Although architecture ang kinuhang kurso, mas pinili nyang pamahalaan ang family restaurant nila at si Fifth naman ay na-inline sa paggawa ng newspaper sa aming capitolyo.

"asan nga pla si Fifth ".. Tanong ko kay Fourth.

"tulog pa, madaling araw na kasi nauwi ng bahay, nagparty kasama mga katrabaho nya." kwento ni Fourth.

"saka sino naman nilalang kasi na linggong linggo e gising ng ganitong ka-aga"!? Hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Fourth.

"grabeh ka naman pare, super aga na ba sau ang 8am?"! Hahahaha.. Natatawa kong sabi.

"oo naman pare,.. Imagine mo,macho rest ko today".. Sabay kalabit nya sa sariling ilong na parang gwapong gwapo sa sarili.

Sabagay may hitsura naman talaga si fourth, habulin din ng chicks nung nasa college kami, pero hindi nangahas manligaw. Ayaw nya kasi ng commitment,  gus2 lang nya,  laging nagpapacute.

"hello po manong,.. Gising na po ba si pastor joseph?" bati ni daniel sa guard na nasa main gate ng foundation.

Malapit lang ang foundation sa university na pinag-aralan namin nila Fourth.  isang kanto lang ang layo.

Matagal ko ng alam ito dahil minsan naging topic ko sya sa baby thesis namin, at simula nun, once in a while kpg hindi busy at stress kay vickie, d2 ako tumatambay.

Natutuwa ako sa mga nakatirang bata d2. Natututo ako sa buhay dahil sa mga experiences nila bilang dating nasa kalye or pinag-malupitan ng mundo.

"opo sir dan, nasa office na po nya, binilin ka na po nya sa akin na darating kayo,." masiglang sagod ni manong guard.

"ah ganun po ba, sige po maraming salamat"! Sagot ko sabay saludo sa kanya na naka ngiti.

"hmm.. Namiss ko 'to ah, "..  Parang wala pa rin pinagbago pre,!".. Si fourth, panay lingon sa paligid habang nagsasalita.

"i told you, worth it ang paggising mo ng umaga pre!".

Pagkahinto pa lang ng kotse namin malapit sa tapat ng office ni pastor joseph,  nagsilapitan na ang mga bata sa amin.

"kuya daniel!.. Kuya fourth"!. Tawag ng mga bata sa amin habang bakadungaw sa bintana ng kotse.

May iilan bata ang hindi lumapit sa amin, at un ang mga bagong nakatira sa foundation. Nakatingin lang sa amin, habang papalabas kami ng kotse.

"may pasalubong kami ni kuya Fourth sa inyo, " sabi ko mga batang nakapaligid sa akin.

"yeheyyyy!!".. Sabay sabay sigaw ng mga bata.

Hindi pa man nila nakikita, excited na sila. Ganun ang mga bata kasi. Mababaw ang kaligayahan.

Binuksan ko ang pinto sa backseat, may kinuha kong dalawang malalaking plastic bag.

Telephone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon