Wala pa rin tigil sa pag-iyak si maris. Hindi sya makapaniwala sa nangyayari. Tapos na silang mag-usap ng kapatid. Nasa kwarto na sya at nakahiga, iyak ng iyak, hawak ang cellphone ng ate pat nya. Pinabasa sa kanya ang mga text messages ng babaing nagsasabing nabuntis ni daniel. At may mga picture daw na magpapatunay na si daniel ang ama ng dinadala nya, pero hindi pa ito na-send sa phone ng ate pat nya.
Litong lito na si maris sa sitwasyon nya. Ang daming tanong ang nasa utak nya, pero hindi nya mahanap ang sagot.
"daniel... Asan ka na... ".. Bulong ni maris sa sarili, kailangan nya ng paliwanag, kailangan nya si daniel ng mga oras na'yon.
"maris,.. Sabi ng boses babae sa kabilang pinto.
Bumukas ito, at pumasok ang mommy ni maris. Hindi pa rin bumabangon si maris sa kama... Mugto na ang mata nya sa kakaiyak.
"hija, anak... Pasimula ng mommy ni maris, umupo ito sa gilid ng kama ni maris.. Hinimas ang malambot na buhok ng anak.
"may mga bagay na sadyang hindi kayang ipaliwanag kahit ng matatalino sa mundo".. Sabi nito.
"ma,.. Bakit ganun?, kala ko masarap magmahal.. Bakit ang sakit pala?".. Tanong ni maris sa mama nya.
"hija, kapag nagmahal ka, hindi mo lang sila binibigyan ng karapan na mahalin ka,bagkus.. Binubuksan mo rin ang pagkakataon na saktan ka nila." paliwanag nito.
"e bakit po ganun mama,..? " bumangon na si maris sa pagkakahiga, pinunasan ang mga luha sa mata at humarap sa mama nya.
"parte ng buhay ang magmahal, at kaakibat nun ang masaktan at makasakit, ang tao ang mamimili kung paano nya ito haharapin." paliwanag nito.
"ma, hindi ko po naiintindihan".. Sabi ni maris na bigla na naman bumuhos ang luha nya.
" bata ka pa anak, marami ka pang matututunan sa buhay, pero sa ngayon, kung ano man ang nangyari,.. Alam kong mahirap, pero matuto kang magpatawad".. Sabi ng mama nya.
"ang lahat ay may dahilan at may aral na mapupulot. Hindi natin alam ang tunay na pangyayari.. "
"ma,.. Mahal ko po si kuya daniel... " nakayukong sabi ni maris. Nahihiya man, kailangan nyang sabihin sa mama nya ang tunay nyang nararamdaman.
"alam ko,.. Ramdam ko, bilang ina mo,.. Nasasaktan din ako sa nakikita ko sa'yo, pero pasasaan ba at maaayos din ito." sabi ng mama ni maris.
"ma, sorry po kung hindi ko sinabi sa inyo agad ang tungkol kay kuya daniel, natatakot po kasi ako na baka magalit kayo" paghingi ng paumanhin ni maris.
"wag kang mag sorry, hindi masama ang magmahal,.. " sabi ng mama nya.
"karapatan ng bawat tao ang magmahal at mahalin".. Anak.. Alam kong matalino kang bata.. May tiwala ako sa'yo, sabi pa nito sa anak na naka ngiti.
"tahan na anak,.. Mahal ka namin.. Mahal ka ng ate mo kaya sya ganun ka protective sayo"..
"naiintindihan ko po ma, " sabi ni maris sa ina.
Niyakap ni maris ang ina, nakaramdam sya ng luwag sa dibdib dahil alam nya na para sa kanya rin ang nangyari sa kanila ni daniel.
"pa,.. Pauwin na natin si maris sa davao.. Bka kung ano pa gawin ng daniel na yon kay maris!",. Sabi ni pat sa papa nya,
Nang gagalaiti pa rin sya sa inis. Matagal na nya itong kinikimkim at alam nya na ito ang tamang panahon para ilabas ang lahat ng alam nya.
"wag kang padalos dalos pat, hindi pa natin alam ang buong istorya" mahinahon pa rin ang papa ni maris.
BINABASA MO ANG
Telephone (COMPLETED)
FanfictionMay mga bagay sa mundo na lagi tayong napa-puzzle, tanong na walang kasagutan at buhay na walang kasiguraduhan pero ang mga ito ay nagbabago ng dahil sa Pag-Ibig... Yes LOVE.. it consist of 4 letters but it can change the 100% of being you. People m...