Chapter 40: Start of Something New (pt.1)

404 15 5
                                    

Eto na ang pinakahihintay ni Maris.. Ang kanyang 18th birthday. Ilan buwan na din nilang pinaghandaan ang araw na ito. Ang kapatid nyang si ate pat ang nag organized since from the start ng kanyang debut.

Nasa loob sya ng room nya. Nakasuot ang mala-prinsesa nyang white gown... Kanina pa nagsisimula ang celebration ng kanyang eighteen birthday.. Imbitado lahat ng malalapit nyang kaibigan kabilang ang kambal na si fourth and fifth, nichole at manolo na kasabay lumipad nila pastor jeff galing bulacan patungo sa davao kung saan gaganapin ang debut.

"maris!".. Tawag ng event organisers kay maris.

Lumingon si maris sa gawing pinto ng kanyang kwarto.

"mag start na ang 18 roses. " sabi ng organiser.

Tumango lang si maris, at ngumiti ng bahagya.. Araw nya ito pero hindi nya maramdaman. Parang may kulang ang gabing iyon.

Naglalakad na si maris sa hagdan pababa ng kanilang bahay. Wala syang escort ng gabing iyon. Ang sabi ng ate pat nya ay hindi daw dumating ang ininvite nya at biglang nagkasakit. Hindi na rin sya nagtanong kung sino iyon, dahil wala naman syang ganang i-celebrate ang bday nya.

Nakatingin lahat ng tao sa kanya habang bumababa sa ikalawang palapag ng bahay nila. Naalala nya ang kaarawan nya nung nakaraan taon, masaya sya ng mga panahong iyon, excited sya sa adventure na gagawin nya, ang paglayo nya sa pamilya, ang mga bata sa foundation ang pag aaral sa unibersidad, subalit ngayon bakit hindi nya maramdaman ang excitement. Hindi nya maramdaman ang sya,.... bilang debutante,  pakiramdam nya may kulang.. May kung anong puwang ang puso nya.

"She look so beautiful" bulong ng isang bisita na nakatingin kay maris.

"i think i'm in-love... haysss," saad naman ng isang schoolmate nya nung high school.

tanaw ni maris ang mga tao sa loob ng kanilang bahay, wari'y may hinahanap ang kanyang mga mata.

".. and now let's give warm of applause to the debutant!"  sabi ng host ng gabing iyon. nagpalakpakan ang lahat ng nandoon. halos maluha luha ang mama ni maris habang pinagmamasdan ang anak na ngayon ay ganap ng dalaga ng gabing 'yon.

"ano ka ba ma, bakit ka ba umiiyak jan?, di pa naman kasal ng anak natin" garalgal ang boses na sabi ng papa ni maris. sya din ay pinipigilan maiyak, dahil alam nya sa gabing iyon,.. may magbabago sa buhay ng mahal nyang anak na si maris.

sinalubong at inakay ng ama si maris sa kanyang pwesto sa labas ng bahay nila kung saan gaganapin ang celebration. nagsimula na rin magsisunuran ang mga bisita palabas.

nagsimula na ang program, kanya kanya ng pwesto ang mga tao sa designated table nila. naghihintay sa mga mangyayari sa gabing iyon.

"ano ka ba kuya fourth?, di ka mapakali sa celphone mo, kanina pa kita napapansin panay ang tingin mo." sabi ni nichole sa katabi nyang si fourth na halos every 10 seconds yata ay tumitingin sa hawak na celphone.

" wala, tumitingin lang ako kung anong oras na?" paliwanag ni fourth.

"mukha mo tol!, sabi ni fifth, ayan oh may relo ka, bakit hindi ka dyan tumingin?" sabi ni fifth sa kakambal.

"may hinihintay ka ba bro?" tanong ni manolo dito.

"wala wala wala".. sabi ni fourth, sabay tayo. "punta lang ako comfort room" sabi ni fourth na dali-daling umalis.

"wait lang, mag-start na,.. uy!" sabi ni fifth sa kapatid ngunit parang wala itong narinig at tuloy pa rin ang lakad at nagtungo sa loob ng bahay nila maris.

Telephone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon