Chapter 8: Highschool Life part 2

616 9 0
                                    

"'bes, anong course ba kukunin mo?" tanong ni loisa.

Nasa school campus kami, kumakain ng fishball sa madalas namin tambayan. Kay aling tina store. naghihintay ng resulta ng final exam namin.

Actually hindi pa ko decided kung ano kukunin kong course, lahat kasi ng pinag exam kong school d2 sa davao ay pasado ako, sa maynila naman, nakatanggap ako ng mga invitation letter sa mga sikat na universidad, offering me a scholarship.

Ako lang naman kasi ang valedictorian sa school namin, kaya siguro ganun din ka-interesado si loisa.

"pinag iisipan ko pa bes" naka kunot noo kong sabi.

Si loisa kasi kumuha ng kursong nurse sa davao university sya mag aaral kasama si joshua na engineering at si jane ay sa manila dahil ipu pursue ang pag arte.

"hirap naman kasi ng matalino noh, sa dami ng alam, parang sisiw na lahat sayo", sabi ni loisa.

"eto, hindi bes, wala pa talaga ako maisip" sabi ko.

"woah, paano?, sandali, si Maristella Racal?, walang isip ngaun"? Kakaiba yta yan bes ah!"..

"hahaha, baliw ka talaga bes,.. "  Tawa kong sabi sabay tusok sa kwek kwek na nasa kawali.

" alam ko gus2 ni papa na incline sa business namin ang course na kukunin ko, pero gus2 ko rin ng music, and i have a heart sa mga streets children or kahit sa mga helpless people." pag share ko kay loisa habang mgumunguya ng mainit na kwek kwek.

"kaya ngaun bes, nahihirapan, ako.. " sabay nawala ang ngiti ko sa mukha.

"naiintindihan kita bes"., basta lang kung ano nasa puso mo.. Sundin mo..".. Sabay kindat sa akin ni loisa.

Hayzz salamat na lang at meron akong best friend na loisang baliw,.. na kayang sakyan ang kadramahan ko sa buhay..

"maris, loisa!".. Tawag sa amin ni joshua, 

"nasa bulletin board na result ng exam natin!", sigaw nito.

Medyo malayo sya sa amin, hindi na nya naisipan lumapit dahil siguro tinamad na naman,.. may katamaran kasi sya sa ibang bagay, hehe

"anjan na kami, susunod na" pasigaw ko rin na sagot sa kanya.

Nagbayad lang kami ni loisa ng mga nakain namin at pumunta na kmi sa bulletin board agad agad.

As usual top 1 ako. Pangalawa si jane, at pangatlo si loisa,  si joshua dahil sa katamaran nya minsan, ayun at pang pito sa listahan.

"paano na yan, manlilinbre na si maris nyan!", pang aalaska ni joshua.

" sige ba, kwek kwek ba?.. Walang problema!" natatawa kong sabi.

"naman, sa bayan naman tayo kumain, pizza!"..

suggestion ni jane.

"oo nga noh,"! Sang ayon ni loisa.

"bes, pizza naman, medyo matagal na rin hindi nasasayaran ng mahal na food itong bibig ko!"..

Sabi ni loisa habang hinahagod ng kamay nya ang lalamunan.

"kayo talaga, sige na, tara na ng hindi na rin tayo gabihin".. Yaya ko na sa kanila, at sumakay na kami sa pampasaherong jeep.

Telephone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon