chapter 25: Love-nat

475 14 1
                                    

Tapos na ang ulan at nagsiuwian na rin sila nichole, manolo, fourth at fifth. Naiwan si daniel dahil tuturuan pa sya ni maris mag guitar.

Padilim na ng mga oras na yon, ng makita ni daniel ang gripo sa gilid ng bahay. Nagpasya sya na duon na lang magbanlaw ng katawan imbes na sa loob ng bahay nila maris.

"jan ka talaga maliligo tanda? ". Tanong ni maris ng makita nya si daniel na nag-uumpisa ng magbuhos ng katawan.

"oo, dito na lang, mababasa ko pa sahig nyo kapag pumasok pa ko," sabi mi daniel sabay buhos ng tubig sa katawan.

Buti n lng at may timba at tabo sa tapat ng gripo. Malamang ito ang ginagamit ni manang solis kapag naglilinis ng sasakyan ni pastor.

"oh sige, kuha kita ng sabon at shampoo" sabi ni maris at pumasok na ito sa loob.

Habang hinihintay ni daniel si maris, naisip nya ang reaksyon ni maris kanina. Kitang kita nya ang pagtitig ni maris sa kanya habang papalapit sya sa grupo sa kasagsagan ng ulan.

"hmm.. Ano kaya iniisip nun kanina?", napapangiting bulong ni daniel.

"oy, tanda eto na!", abot ni maris sa isang maliit na plastik basket.

"salamat!", sabi ni daniel, kinuha nya ng isang kamay ang basket, pero ang isang kamay ay may hawak na tabo.. may lamang tubig. Bigla nya itong binuhos sa katawan ni maris.

"waaahhhh.... Kuya daniel!"... Ang sigaw ni maris na nagtatatalon sa lamig ng tubig.

"hahahaha... Basa ka na nga, naggaganyan ka pa!", sabi daniel.

"natuyuan na ko kanina e, " asar na sagot ni maris. Nung pumasok kasi sya sa bahay, medyo nagpatuyo sya ng katawan dahil bka mapagalitan sya ni manang solis at mababasa ang sahig ng bahay.

"e di, magbasa ka ulit!", sabi ni daniel at binuhusan ulit sya ng tubig

"aggghh..., sabi ni maris lamig na lamig.

"ganun ah,!", bigla inagaw ni maris ang tabo kay daniel at kumuha ng tubig sa timba, binuhos nya ito sa binata.

Maagap naman si daniel. Naharang agad nya ang tubig at nahawakan nya ang braso ni maris.

Hinatak nya ito papalapit sya katawan nya, at niyakap ang bewang,.. Mahigpit.

Gulat na gulat si maris sa ginawa ni daniel. Ang bilis ng kabog ng dibdib nya. Ramdam nya ang katawan ni daniel dahil basa na rin ang manipis nyang pang-itaas.

Lalong humihigpit ang pagkakayakap ni daniel sa bewang nya. Yumuko ito papalapit sa mukha ni maris.

Parang nanlalambot ang tuhod ni maris, hindi nya makayanan ang mga titig ni daniel, palapit ng palapit. Ramdam na nya ang hininga ng binata, nagtatama na ang kanilang mga noo.

Hindi maipaliwag ni daniel ang nararamdaman sa mga sandaling iyon, sa lamig ng tubig na tumama sa katawan nya pagkabuhos ni maris, may kung anong init ang lumabas sa katawan nito. Hindi nya mapigilan kabigin si maris papalapit sa kanya. Hinawakan nya ang bewang nito. Ang petite na pangangatawan ni maris ay halos sakto lang sa buong braso ni daniel.

Dama ni daniel ang basang damit ng dalaga dahil wala syang pang-itaas. Bumibilis ang tibok ng puso nya, iniyuko nya ang ulo pra mapalapit sa mukha ng dalaga.

Ang amo ng mukha nito na halatang kabado. Pilitin man kontrolin ni daniel ang sarili. Hindi nya magawa,  gusto nyang sumabog dahil sa nararamdam na pagtingin sa bata.

Hinawakan nya ang leeg ni maris, hinaplos ito hanggang sa baba(chin). Itinaas ng konti ang mukha, magkadikit ang kanilang noo. Langhap ni daniel ang mabangong hininga ng dalawa. Titig na titig sya dito.

Telephone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon