Chapter 38 : Forgiveness

473 17 1
                                    

"mariskie!!!!!!!!!!!...." sigaw ng babaeng medyo mestisa kay maris habang palabas ng arrival area ng airport ng davao.

"loisa!!!!!!!!!!!".. balik na sigaw ni maris sa kaibigang matalik.

Nagtatakbo ito palabas ng airport palapit sa kaibigang matagal din nyang hindi nakita at nakausap.

tapos na ang pasko, nagdaan na rin ang bagong taon. at eto bakasyon na. umuwi muna si maris sa davao upang magbakasyon at maghintay ulit ng enrolan sa University sa bulacan. ayaw syang payagan ni pastor, nila nichole at manolo dahil malulungkot daw sila pero kailangan din nya ito. kailangan nyang lumayo pansamantala at pahilumin ang sugat ng kahapon. Simula kasi ng nawala si daniel ng parang bula, nawala na rin ang saya sa buhay nya.  At eto nga, bumalik sya sa davao, para hanapin ang kaligayahan nawala sa kanya.

"hoy bruha, namiss kita!!" sabi ni loisa sabay yakap dito.

"ang blooming mo ngayon.. iba na talaga ang in-love!'" tukso ni loisa sa kaibigan

"pero bakit parang ang lungkot ng mata mo?" tanong nito.

"ang dami ko ng hindi alam sa'yo ah, siguro may bff ka na dun noh" nakangusong sabi ni loisa.

"maris!!"..

Lumingon si maris sa bandang likod nya.

"jane! "... Sigaw nya dito. Sinalubong nya ang kaibigan at niyakap. 

"na-miss ko kayo ng sobra!" sabi ni maris sa dalawa. Inakbayan nya ito at napaluha sya.

"oy, oy, anong kadramahan yan ah?". Sabi ni loisa sa kaibigan.

"why don't we sleep-over loisa sa kanila maris at malamang maraming baon itong si maris na kwento". Suggest ni jane.

"ay naman jane, eto na back pack ko oh,.. Ready na for sleep over na hind naman mag over sleep.." pabirong sabi ni loisa.

"ang gulo mo talaga!". Sabi ni jane.

"eto ang na miss ko!".. Ang mga banat nyo.. Marami talaga akong kwento sa inyo, so tara na!". Aya ni maris.

"asan na ba si joshua?". Panay ang lingap ni loisa

"beep beep!".. Eto lang ako loisa!", sigaw ni joshua nasa loob ng kotse.

"tara na!, sakay na kayo!".. Aya nito sa tatlong dalaga.

Sumakay na ang tatlo at nagsimula na ang kwentuhan, tawanan at asaran ng apat habang nasa byahe.

Medyo nalimutan nya ang lungkot na nadarama ng mga oras na yon, minsan ay natutulala sya at naiisip nya si daniel, ang mga oras na magkasama sila sa sasakyan nito habang bumabyahe sila. Pero iniaalis nya rin agad sa isipan ito para hindi sya maiyak.

"welcome home ate!!... " sabi ng bunsong kapatid ni maris dito.

Sinalubong sya ng pamilya nya sa may garahe. Niyakap nya ang mga ito. Lalong lalo na ang mama at papa nya.

"welcome home anak!".. Sabi ng mama nya

"na miss ko po kayo"  sabi ni maris dito

"sus, parang hindi naman kayo nag uusap gabi gabi sa telepono" sabat naman ng papa nya.

"si papa, panira ng moment! ", irap ni maris sa papa nya, naglalambing...

"hahaha", tawa nito sa anak.  Sige na pasok na at ng makakain na tayo.

"yes!.. Makakatikim na naman ng lechon!", sabi ni loisa at dere-deretso ito sa loob ng bahay nila maris na para bang dun sya nakatira.

Telephone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon