Chapter 9: The new journey

591 10 0
                                    

" ok na ba mga gamit mo maris?", tanong sa akin ni mama,.

Nasa room ako ng gabing iyon. Nakatingin sa mga maleta ko na na dadalhin ko bukas sa bulacan.

Yes, bukas na flight ko, and i dont understand what i feel at this moment, excited coz i will be meet new people and new friends. But at the same time, sad kasi malalayo ako sa parents ko, at kay ashley. Sila na lang kasi ang nakakasama ko ng madalas lately.

" yes ma, ok na po" sagot ko kay mama, habang papalapit sya sa akin.

Umupo sya sa gilid ng kama ko, maga ang mata, malamang kagabi pa ito umiiyak.

Umupo ako sa tabi nya, hindi na nya napigilan ang sarili, humagulgol na ito ng iyak.

"oh ma, tama na po, uuwe p rin naman po ako d2 sa atin tuwing bakasyon ko e." paglalambing ko sa mama ko habamg himas ang likod.

"alam ko naman un anak , hindi ko lang talaga mapigilan sarili ko, " pahikbing sabi ni mama.

"basta kung hindi mo kaya, balik ka lang d2 sa davao, anak ah"..

"opo mama, dont worry po, i will take care of myself. " pag assured ko kay mama.

Tok... Tok.. Tok..

" ma'am, ate maris, nakahanda na po ung dinner, nasa table na rin po sila sir"..

Sabi ng boses sa kabilang pinto, si ysabel, anak ng yaya namin. D2 na rin sya nakatira sa bahay, at pinag- aaral nila papa.

"susunod kami ysabel, " malakas kong sabi.

"mama, tara na po sa baba"., aya ko d2.

" oh sya, halika na at bka magalit papa mo, ayaw nun na naghihintay ang pagkain." sabi ni mama habang palabas ng room ko.

"maris, anak.. Ung mga bilin ko sayo ah,"  sabi ni papa sa akin.

Magkakaharap kaming lahat ng buong pamilya sa dining table. And2 din sa bahay si kuya kevin, ang bf ni ate kris, pati na rin si kuya randy na asawa ni ate pat. Nasa yaya naman nya si echo at inaalagaan, medyo malikot na kasi ang batang yun.

"pa, hindi ko po nakalimutan lahat". Sabi ko.

Walang tigil ang tawanan namin lahat habang kumakain, si ate kris at kuya kevin kasi laging nagpapatawa, kaya siguro nag jive at nagtatagal relationship nila dahil same wavelength sila.

Bakas sa mga mukha nila ang lungkot na nadarama dahil sa pag-alis ko, pero pilit nilang itinatago dahil siguro na rin ayaw nila kong makitang malungkot sila sa pag alis ko.

tapos na ang lahat magkainan,.. nasa patio kaming lahat,.. kumakanta kaming magkakapatid habang ako ay nag-gigitara, nanunuod lang sa amin sila papa at mama pati na rin si kuya randy at kuya kevin.

"Mmmm, it's always better when we're together.. "

"Yeah, we'll look at the stars when we're together"...... 'parap.. papap.. rap papap.. "  (strum.. strum..)

Sobrang mami-miss ko sila.. bulong ng isip ko na pinipigil ang pagpatak ng luha ko.

Telephone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon