Chapter 14: The meet up

585 19 2
                                    

Nanlalambot ang mga tuhod ko. Gus2 kong umupo. Para kong matutunaw sa nakikita ko. I never felt this before, not even kay vickie. Kung kay vickie may sparks, d2 yta electric current na parang dumadaloy sa buo kong pagkatao papuntang puso at kaboom!. Grabeh.

"daniel,".. Tawag ni pastor joseph sa akin. Sa pintuan ng office nya. Kumaway, inaaya akong pumunta sa pwesto nya.

"pastor,  "... Kumaway din ako.

Tumingin ulit ako sa terrace, wala na ung dalagita, wala na si maris.

"san kaya nagpunta un?" nagpalinga linga akong hinanap sya. Bka sakaling bumaba.  wala..

Bago ako pumunta sa office, binuksan ko ang backdoor, inilabas ang 2boxes of yellow cab pizza.. At inabot kina bugoy. Tuwang tuwa naman ang mga ito.

"daniel, i like what you are doing sa project natin.. Keep it up".. Nakangiting sabi ni pastor.

"thank you po pastor " pasasalamat ko.

"Pastor, by the way, hindi ko po kayo natanong before, para san po ang stage"? Tanong ko

"oh well,.. Dahil kay maris!".. Mabilis na Tugon nito.

"huh?", nagtatakang sabi nya.

"ay, hindi mo pa pala sya nami-meet, pero sya ung nakausap mo sa phone kanina. " sabi ni pastor.

"She's staying here, nag-aaral sya jan sa university as fine arts. Anak sya ng kumpare ko, na taga davao and her family owns almost half of the foundations. Stock holder parents nya."

" she suggest na magkaroon ng mini concert ang mga bata every christmas, she is willing to teach the younger one how to play guitar... Tutal nmn 4 months pa before christmas, they still have time."

Kwento ni pastor. Tango lang ako ng tango. Actually alam ko na ang reason ni maris why she decided to stay here in bulacan rather than davao or manila. She wants to help sa mga bata d2. Nabanggit na nya ang mga ito kanina while we are talking over the phone.

"uncle, snacks po muna kayo", bungad ni maris sa pinto, dala ang isang tray with 2 glasses of fresh orange juice and 2 slices of club house sandwich.

Nilapag nito ang tray sa center table.

"sya nga pla maris, meet architect daniel, sya ang incharge sa construction ng stage natin" pakilala ni pastor

"hi po, architect"! Kumaway lang ako. Nakangiti

Mas gwapo pla sya sa malapitan.. Eeeeh.. Kinikilig ako, sa loob-loob ni maris.

"daniel na lang," nakangiti din kong sagot.

Bigla ko ulet naramdaman ang kabog ng dibdib ko. Pinagpapawisan ang mga kamay ko. Ang tuhod ko, nangangatog.

Ano ba itong nararamdaman ko. Bigla ko n lng kinuha ang juice na dala nya sabay inom. Pra hindi mahalata ang nerbyos ko.

"salamat dito ah," un lang nasabi ko.

Ngumiti lang sya.. Hayysss... Nakakatunaw talaga. Khit simpleng ngiti lang. Bulong ni daniel sa sarili.

---------------------

Bigla akong tumayo, pumasok sa loob pero nagtago lang sa likod ng glass door with curtain. Tinawag kasi ni uncle si daniel,  chance ko na para makaiwas sa mga ngiti at tingin nya na nakakatunaw ng puso.

"hayyss... Ang gwapo nya sa personal".. Nakasandal ako sa glass door, di ko mapigilan ang sarili kong magpapadyak.

"maris, maris, maris,.. Hinay hinay lang.. Relax.. Inhale exhale.. Inhale exhale"...  Pano nga ba magrelax kung nakakita ka ng ganung kasing kisig na lalaki.

Para syang model ng isang mamahaling damit. Siguro kung ipapasuot sa kanya lahat ng klaseng damit, babagay dito. Ang kutis napaka-kinis kahit sa malayuan. Architect ba talaga yon or model-artist?.

"hmp, kailangan makita ko sya ng malapitan'".  Bulong ni maris habang papasok sa room nya upang isauli ang gitara. May naisip na syang idea.

"manang solis, para kanino yan?". Tanong ko dito ng pumunta ako sa kitchen.

Nagpre-prepare ito ng sandwich, may 2 glasses na nakahanda sa tray.

"kina pastor  at sir daniel... Andun sila sa office." sagot nito.

May biglang lumabas na light-bulb sa isip ko.

"manang, ako na'po ang magdadala ng mga yan kina uncle" sabi ko.

Maris galing ng naisip mo, yeah.. Nakangiti kong sabi.

"naku salamat hija, kailangan ko pa kasi bantayan ang mga bata sa kabila, papatulugin ko pa".. Pagsasalamat nitong sabi.

At eto nga, kaharap ko na sila. Lalong gwapo si kuya daniel sa malapit. Ang mga mata nito na medyo singkit, ang bindi na ma-muscle, kita dahil naka cardigans short lang, na nka spierry top sider shoes. Polo shirt na bakas ang muscle sa manggas nito.

"Malamang may abs ito", sa isip ni maris.

Pigil na pigil ang damdamin ko. Hindi ako makapagsalita ng mahaba, para bang gus2 ko lang na titigan sya ng titigan. Pero hindi pwede,  kasama namin si uncle.

Maris, balik ka sa mundo.. Bulong ko sa sarili ko. Para kasi akong nasa ibang dimension ng makaharap ko na si kuya daniel. Ewan ko ba, pero ang gaan ng loob ko sa kanya.

"sige po uncle, iwan ko muna kayo, " paalam ko dito.

"ok, salamat dito hija." tugon nito.

"nice meeting you maris," sabi ni daniel

"me too, kuya.. " ngiting sabi ko.

Lumabas ako, pero di ko mapigilang lumingon. Nakatingin si kuya daniel nakangiti... Sabay bawi ng tingin ko.

"ay, nakatingin sya,".. Nakangiti kong bulong.

Maris, napaghahalata ka.. Lumakad ako ng mabilis,  papuntang sala sa kabilang bahay.

Telephone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon