** THROWBACK**
"at sa araw na ito, kayo ay ganap na isang graduate! "...
Pagtapos nun, maraming mga graduation hat ang nagliparan sa ere.
"yaahhooooo.. Graduate na tayo!". Sigaw ni Fifth
habang patuloy sa paghagis ng kanyan toga.
"yes!, sa wakas mga 'tol makakaalis na rin tayo sa school na'to!" tuwang tuwa sabi naman ni Fourth.
Maraming estudyante ng gabing iyon, marami din ang mga magulang at mga kapatid na nanood,. Hindi ko muna hahanapin ang nanay at mga kapatid ko, isa lang ang hinahanap ng aking mga mata... Si vickie!
Sa hindi kalayuan, nakita ko sya, kausap ang mga classmate nya, nagkukuhanan ng mga picture. Hindi pa uso ang selfie nun kaya digital camera lang ang gamit ng karamihan.
"vickie!", sigaw ko sa kanya.
Lumingon sya sa pwesto ko.
"Daniel!, bati ni vickie,. "congrats sa'yo!, di mo sinabi na cum laude ka pala, e di sana nagpadala ako ng banda!", natatawa nyang sabi sa akin.
"congrats din sa'yo, sabi ko, sabay abot sa bouquet of 1 dozen of white roses.
Kanina ko pa ito bitbit, simula pa lang ng ceremony, pinabili ko c Fourth bago pumunta sa school. Mas malapit kasi sya sa bayan ng lugar namin kaya nakisuyo ako. Hindi naman sya tumanggi, as usual.
"wow, ang ganda nito!", nanlalaking mata sabi ni vickie.
"nice naman nyan vim", sabi ni grace habang papalapit sa amin.
"uuuyy,.. Sasagutin na ni vim si daniel nyan!".. Pang aasar ni angelo..
"oo nga vim, sagutin mo na si dandan.." ayyiiiii!!".. Halos sabay sabay sabi nila dexter, teresa at grace.
Medyo namula c vickie sa tuksuhan ng tropa nya, ako naman, napayuko at nangingiti lang, habang nagkakamot ng ulo.
Tsug tsug... Tsug tsug.. Ramdam ko ang kaba ko ng mga sandaling iyon. Naghihintay sa isasagot ni vickie.
Simula kasi ng 1st meet namin nung nakaraan linggo, hindi ko na sya tinantanan, after that incident na natamaan nya ko ng pellet gun sa noo, gumawa na ko ng hakbang para manligaw sa kanya.
Parang madali, pero oo, sa mga araw na yon, gus2ng gus2 ko na sya. May kung anong lukso ng puso ko kapag nakikita ko sya sa mga panahon na yon.
Kaya naman, sa loob ng isang linggong rehearsals namin ng graduation, niligawan ko na sya.
At eto na nga, graduation day, Naghihintay sa sagot nyang "oo". Nangako sya na ngayon ko malalaman ang sagot.
"ano na vickie, may pag-asa ba'ko?, tanong ko sa kanya habang papalapit sa kanya.
Halos magtama na ang aming katawan at kapwa kami nakatingin sa mata, gus2 kong basahin kung ano meron sa kanyang mga mata, parang nangungusap na nagni-ning-ning. Hindi ko mahagilap ang sagot sa tanong ko.
"oo, tayo na!", mahina nyang sabi, na nakatingin pa rin sa akin, nakangiti.
Bigla na lang ako napahinto sa narinig ko, pakiramdam ko nawala lahat ng tao sa paligid ko, para bang kaming dalawa na lang ang natira sa lugar na yon. Nakatingin pa rin ako sa kanya, dama ko ang hininga nya na parang kinakabahan. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa narinig ko, it's like music to my ear, a piece of puzzle that complete on a puzzle board, a dice that rolled against the board or snake and ladder.
"ayos!".. Yehey!!.. Sabay sabay na sabi ng tropa ni vickie,.. At nagpalakpakan.
Kanina pa pala sila nakikinig at naghihintay din ng sagot ni vickie.
"congrats pare!", sabi ni dexter habang niyugyug ang katawan ko hawak ang dalawang balikat ko.
"double celebration ito!", sabi ni angelo hawak ang kamay ko at kamay ni vickie.
Hindi pa rin naaalis ang mga paa namin ni vickie sa pagkakapako sa mga kinatatayuan namin,. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari sa mga oras na'yon, ang saya saya ng pakiramdam ko, ako na yata ang pinakamasayang estudyante na grumaduate ng gabing iyon.
"salamat sa flowers dan,!" sabi ni vickie, nakatingin na sya sa flowers na binigay ko kanina.
"salamat din, dahil pinasaya mo ako lalo ng gabing ito,!" sagot ko, sabay kabig ko at yakap sa kanya.
Umalis na ang tropa nya. Sinundo na ng kanya kanyang magulang at kapatid na nanood ng graduation.
"congrats ulet sayo," sabi ni vickie, habang kumakalas sa pagkakayap ko,.
"bakit hindi mo sinabi na cum laude ka pala, eh di sana nabilhan kita ng gift!"
"ok lang, wala naman yun, saka isang malaking regalo mo na sa akin ang maging tayo" ngiti kong sabi.
"so pano, mauna na'ko umuwe, ayun na parents ko, " sabay turo ni vickie sa kaliwang bahagi ng kinatatayuan nila,
Lumingon ako sa bahagi na 'yon, nakita ko ang parents nya, kumaway sa amin ang kanyang mommy.
"tara, hatid na kita sa kanila" sabay hawak ko sa braso nya, inalalayan kong maglakad papunta sa parents nya.
"mommy!.. " sabay hug ni vickie, at ganun din ang ginawa nya sa kanyang daddy.
"by the way, mom dad, i would like you to meet, daniel matsunaga.. " boyfriend ko po!".. Pagpapakilala ni vickie sa akin.
Medyo nagulat ako sa sinabi nya, hindi ako prepared. Kinabahan ako kung ano magiging reaksyon ng parents ni vickie.
"hi daniel, good to see and meet you in person"
Sabi ng mommy ni vickie.
"madalas ka ikuwento ni vickie nitong mga nakaraan araw,.. Hmm boyfriend ka na pla nya ah!", parang naninitang tono nito pero nakangiti.
"daniel, kaga-graduate nyo lang ah, malaki pa pangarap ko sa anak ko na yan", sabi ng daddy nya na seryoso ang mukhang deretsong nakatingin sa akin.
"wa-wag po kayong mag-alala sir, your daughter is in good hands. " nanginginig kong sagot sa daddy nya na para bang matutunaw ako sa mga oras na yon sa nerbiyos.
" sige dan, mauna na kami ah, may konting salo salo sa bahay, kita na lang tayo bukas dito,"
Paalam ni vickie, sa akin.
"ok, see you tomorrow," at kumaway ako sa kanya.
"kuya daniel!", sigaw ng babae sa likod ko.
Pagharap ko sa sumigaw, si vanessa ang kapatid ko, patakbo na lumapit sa akin, nakita ko ang nanay ko at isa ko pang kapatid na lalaki, sumusunod sa kay vanessa.
"kuya!," talon ni vanessa paglapit sa akin at sabay yakap.
"cum laude ka pala, hindi mo kami sinabihan, ang daya mo!". Nakapout na sabi nito.
"oo nga kuya, ikaw talaga napaka malihim mo kahit kelan, you always surprised us!" si wilson ang nagsalita, nakalapit na sila ng nanay ko sa pwesto namin ni vanessa.
"anak, salamat at nakatapos ka na, may bago ka na naman tatahakin sa buhay,!" maluha luhang sabi ng nanay nya.
"oo nga 'nay, kailangan ko na ng trabaho para sa mga mokong na ito!".. Ginulo ko ang buhok ng dalawa kong kapatid.
"halika na at umuwi na tayo, nagluto c manang fely ng konting putahe para sa atin." yaya na ng nanay ko,
Sabay sabay kaming naglakad papunta sa sasakyan namin.
BINABASA MO ANG
Telephone (COMPLETED)
FanfictionMay mga bagay sa mundo na lagi tayong napa-puzzle, tanong na walang kasagutan at buhay na walang kasiguraduhan pero ang mga ito ay nagbabago ng dahil sa Pag-Ibig... Yes LOVE.. it consist of 4 letters but it can change the 100% of being you. People m...