28

44.3K 2.1K 717
                                    

This chapter is dedicated to my friend, Paulan Fortaleza. Happy birthday, ses!!!! More birthday to cum! Yieeeksss! Labyu!!😍

Neil Francis Juariz

Lakad-takbo ang ginagawa ko habang nilalakbay ang lobby papunta sa conference room. I received a call from dad a minute ago and he sounded so damn serious. I had to ask him to take care of the company while I try to mend my relationship with Tyga and Frank.

Nang tumigil na kami sa harap ng pintuan ng conference room, nilingon ko ang katabi ko at pinaningkitan ng mata.

"Wait, why the fuck are you here with me?" Ang nagtataka kong tanong sa kanya.

Tila natauhan rin siya sinabi ko at napatigil. "Teka, anong ginagawa ko dito?" Ang parang tanga niyang tanong pabalik sa akin habang tinuturo ang sarili niya.

Napabuntong hininga na lang ako at napahilamos ng mukha. I don't understand why God gave me a friend like this one, a little crazy husband, and a cute son. Buti na lang binawi sa anak.

"Tangina mo. Ewan ko sa'yo. Buksan mo na nga 'yang pintuan," ang utos ko dito na kaagad din naman niyang sinunod.

Pagpasok ko nakita ko sila dad at ang dalawang security manager ng bawat branch ng hotel na seryosong nag-uusap. My secretary who was silently waiting on the side walked towards me attentively.

"Sir," he called before handing me my ipad.

Naagaw din namin ang atensyon ni dad ang dalawang kasama niya. He motioned me to sit beside him kaya iyon ang ginawa ko. Nakasunod lang din sa akin si Gavin. I did not ask him to go out since he's a part of the board of directors.

I scanned the article for a brief second before joining their conversation. "Any idea who might be behind this?"

"Two foreign guests from Russia, one former valet, at isang maintenance boy," ang sagot ni Libre sa akin. He used to be Axel's employee that I had successfully snatched. He used to be the headquarters' security chief but he asked dad for a transfer.

I tapped my fingers against the table. Two foreign guests from Russia. One former valet. A maintenance boy. Ang pag-uulit ko sa aking utak.

"Magkasama ba ang mga Russian guests o sa iba't-ibang hotel sila?" Ang tanong ko.

"They're from the same hotel, sir."

"Ano daw ang rason nila?" Ang muli kong tanong habang binabasa ang impormasyon tungkol sa dalawang guests.

The both of them are in their teens. Ang isa ay 18 habang ang isa naman ay 19. They came from two different Russian school and were living at the opposite sides of the city. Pero pareho silang salat sa buhay at nanggaling sa malalaking pamilya sa Russia. The other one is an orphan while the other one is being raised by his mother.

"Money," ang sagot ni Elias. Umangat ang ulo ko at tumingin sa kanyang direksyon.

"Money? Mga terorista ba sila? Binayaran ng mga kaaway natin? Bakit kailangang imported ang manira ng negosyo natin?" Ang sunod-sunod na tanong ni Gavin.

Narinig ko pa si dad na humalakhak sa tabi ko. "Nakakatuwa ka talaga, ijo. Sigurado ka bang ayaw mong pumalit sa akin?"

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon