15

44.5K 2.1K 463
                                    

Tyga Xerxes Mondejar

"Hindi 'yon maaari. Hindi. Hindi. Hindi. Panaganip lang ang lahat. Hindi 'yon totoo. Hindi talaga 'yon totoo. Wititit talaga, bakla! It kennat be! Wit kaming nag-chukchakan ng supladitong amo ko. Isa lang 'yong masamang panaginip, isang bangungot. Bad omen. Hindi 'yon totoo!" Napaiyak na ako sa huling parte ng aking mini-monologue sabay sabunot sa aking hairlalu na ka-twinning na ng pugad ni twitty bird.

"Can you fucking stop walking? Putangina, mukha ka ng takas sa mental. Kanina pa ako nahihilo sa'yo"

Nabaling sa okinawang naging dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon ang eyesight ng lola niya. Binigyan ko siya ng isang nakakamatay na tingin at saka itinapon sa direksyon niya ang mga maliliit na batong pinulot ko kanina.

"Wag kang lumapit sa akin, mortal! Isa kang mapanlinlang, mapansamantala at manlolokong nilalang! Pinagsamantalahan mo ang aking murang katawan. Napaka-walanghiya mo, Lorenzo. Hinding-hindi kita mapapatawad!"

Matapos mag-emote ng lola niyo, tinitigan niya lang ako from head mukhang Bea Alonzo habang nakahawak sa bawat gilid ng kanyang bewang. Hindi ako nagpatalo. Sinuklay ko ang aking hairlalu at saka namayweng rin sa kanyang harapan Tinaasan ko siya ng Kilay Celis at isang naghahamon na tingin.

Pero dumaan ang isang minuto, nakatitig pa rin siya sa fezlak ng lola niyo. May maliit na ngiteng naglalaro sa mga labi niya habang naka-sight sa beauty ng lola niyo.

"B-Bakit?" Gusto ko sanang lamangan si mareng Ava Maldita sa kamalditahan pero mukhang hindi bet makipag-cooperate ng bibig ni watashi.

Wit pa rin tumalak ang lolo niyo. Pinagkrus niya ang mga braso sa harap ng kanyang dibdib.

Inirapan ko siya at pinag-krus rin ang mga braso ko.

"Knows ko na maganders itong fezlak ko, bossing. Hindi mo kailangan titigan si watashi na parang bet mo akong laplapin ulit."

Isang mababang tawa ang kanyanh pinakawalan. "Mondejar," ang tawag niya sa akin.

Mondejar-Mondejar! Kung maka-Mondejar parang hindi nakipagchukchakan sa akin ng bonggang-bongga kagabi.

"Bucket Meal?"

"Bucket Meal?" Ang pag-uulit niya.

"Bakit 'yon! Shunga-shunga nito. Ano?!"

"May nagsabi na ba sa'yo na maganda ka?" Ang tanong niya na ikinangiti ko.

Mukhang na-realize na ng okinawang itachi ang kamandag na dala-dala ng fez ko. Oh well, papel. Wit ko naman siya masisisi kung mahuhulog siya sa gandang taglay ko. Sorry na lang siya at wit akong pumupatol sa mga chanakez ni Satanas.

Tinaas ko ang aking noo at inayos ang pagkakahawak sa aking bewang. Ngumite ako sa kawalan na para bang nasungkit ko na ang korona ni Catriona--Nasungkit ko naman talaga. Sinangla ko nga sa Cebuana. Na-shook si Sarah G pagdating ko sa harapan niya. Na-threatened si mare, mga bakla! Akala niya siguro susungkitin ko rin si Matheo. My god ha! Ako lang 'to. Si Natoy na mahal na mahal ka.

Charot! Mas bet ko si Natoy.

Pagkatapos kung gawin ang minor preparation, with poise akong rumampa papunta sa frontrow niya. Pero dahil pinaglihi sa dambuhalang saging ng kanyang ama ang height ng lolo niyo, kinailangan ko pang tumingala para maka-face to face siya.

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon