1

86.2K 2.7K 930
                                    

Tyga's Dicktionary
Carou- car o sasakyan
Wit-Hindi
Okinawa-lalaki
Otoko-lalaki
valur/balur/baluret-house
pinkalu-pink
Kabog- natalo
katol-katulong
guardini-guard
bet-gusto

Tyga Xerxes Mondejar

"Aray! Shuta!" Ang iyak ko ng lumundag ang sasakyan ni bossing.

Muli na namang lumundag ang sasakyan niya kaya muli na naman akong napa-aray.

Ano ba?! Saan ba kasi kami——este, siya, gogora? Hindi ba niya knows na may tao dito sa trangke? Like hello? Nandito ako. Ang future niya. Future katulong sa bahay. 

Simula ng i-kick out niya ako sa kanyang shining shimmering splendid na sasakyan limang araw na ang nakakalipas, palagi ko na siyang  sinusundan kung saan-saan. Pero hanggang doon lang ako labas ng bahay, kompanya at hotel niya nakasunod. Noong una ko kasi siyang sinundan muntik na akong ipadampot sa pulis. Sabi niya stalker daw ako. Ang kapal ng mukha! Pasalamat siya totoo 'yon. Charot.

Hindi ko naman siya susundan kong keri ko lang ang life ano? Kailangan ko lang talaga siya kaya nagpapaka-stalker ang ganda ko kahit hindi naman bagay.

Kailangan ko ng proteksyon mula sa organisasyong iyon. Mapro-protektahan lamang ako kapag ginamit kong panangga ang okinawang ito. Isa siyang makapangyarihan at ma-impluwensyang tao. Mahihirapan ang mga taong naghahanap sa akin na lusutan ang daks na 'to.

Kaso masyadong suplado ang lolo niyo. Jusko dae, sinasabi ko sa inyo! Ayaw man lang tapunan ng tingin ang resume ko. Ang cute ko kaya do'n sa two by two picture na naka-attach sa mga resume ko. Ginamitan ko talaga 'yon ng floweret na filter sa snapchat. Kabog na kabog si Liza Soberano sa ganda ko. Flawless na flawless, 'te!

Mabuti na lang talaga't malakas ang fighting spirit ko. Determinado akong makapagtrabaho sa kanya kaya hindi ko siya tinigilan sa pagpapadala ng mga resume ko. Sa bahay, sa kompanya niya o kahit saan man siya magpunta nandoon ako at ang resume ko. Pasensyo akong naghihintay sa kanyang masarap na yes, tanggap ka na buhay ko. Ganerns!

Ito rin ang dahilan kung bakit ako nakiki-joy ride ngayon sa kanyang trangkesa. Mukhang pupunta kasi siya sa ibang lugar at hindi babalik sa bahay ng ilang araw. Hindi pwedeng maka-absent ang resume ko. Sabi nga nila, Never miss a beat. Just jump right into the action. Kung anong ibig sabihin niyan, paki-comment na lang po.

After 100 years, tumigil na rin sa wakas ang kanyang sasakyan. Aba'y mabuti naman dahil malapit na talaga akong ma-dedo dito sa loob. Kaunti na lang at magre-reunion na kami ni satanas.

Pinakiramdaman ko muna ang paligid. Nang masigurado kong nakababa na siya sa sasakyan, nagmamadali kong kinalikot ang bukasan ng trangkesa at lumabas mula doon.

Sunod-sunod akong nag-exhale inhale at saka isinara ang trangke. Doon na ako kibahan nang hindi ko marinig itong mag-lock.

"Hala! Shuta ka, bakla. Nasira mo yata." Ang kagat labi kong bulong sa sarili habang sinubukang isara ang trangkesang aking pinanggalingan.

Sinubukan ko itong itulak ng malakas pababa pero ayaw talaga. Huhu! Magkano nga ulit tong sasakyang kabayo ang logo? Wanpipty? Three hunded?

Sumilip-silip muna ako sa harapan. Walang tao maliban sa dalawang taong nakaputi na kausap ni boss Francis. Mukhang mga gwardya yata ito. Mula sa mga bortang guards, napadako ang aking mga mata sa malaking valur. Bongabels!

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon