45

42.3K 1.9K 633
                                    

Third Person POV

"Sir, nahanap na po namin si Mondejar."

Napangise ang matandang lalaki habang nakatingin sa larawang nakadikit sa dart board na nakasabit sa dingding ng kanyang opisina.

"And where is he?"

"He is currently working for Francis Juariz as a housekeeper, sir."

"Juariz huh?"

His excitement immediately vanished after hearing the formidable name. Everything could have been easy if only that brat wasn't under those people's watch. Mabuti sana kung kakampi nila ang angkan ngunit sa kasamaang palad hindi siya kabilang sa mga taong sinusupurtahan ng pamilya.

If you caught that family's attention in a negative manner, there will only be two options left for you; surrender or die.

Nahanap nga nila ang tusong daga ngunit may dala naman itong problema. But this will not stop them from catching the mouse. If he has to face the formidable clan then so be it.

They can't trample him that easily.

Tyga Xerxes Mondejar

"AHHHHHHHHHHHH! PAPA! HELP! HELP ME, PAPA!"

Agad nagpanting ang tenga ko nang marinig ang tili ng aking pinakamamahal na junakis. Mabilis kong inilapag ang dala-dala kong tray ng pagkain sa lamesa dito sa may outdoor pool at saka nag-runaway bride papunta sa junakis ko. 

Pinulot ko iyong sanga ng kahoy na nadaanan ko at saka nagpatuloy sa pagtakbo.  

"Ursula, Itigil mo na ang kahibangang ito. Huwag mong idadamay dito ang anak kong si Majinbu. Wala siyang kasalanan! Tayong dalawa ang magtuos!" Ang sigaw ko nang madatnan ko ang gagang si Charlotte na tinatali sa maliit na kahoy ng niyog ang junakis ko. 

"Ha!" Winagayway ko ang sanga ng kahoy sa direksyon niya na para bang isa itong espada ni Panday.

Binali niya iyong dahon mula sa cockonut tree at nakipagtuos sa akin. Nag-espadahan kaming dalawa hanggang labasan kami... ng pawis! Naku ha! Iyang mga utak niya. Kailangan na ng matinding basbasan. Masyado na po tayong nilulumot, opo.

"Ha! Tanggapin mo ang bagsik ng mga Lireo, Pirena!" Ang sigaw ko saka nag-split ng tumambling ang baklang Charlotte. 

"Mananalo ang mga Hathor, Amihan! Ngayong napasakamay na namin ang fire nation sisiguraduhin kong mapupuksa lahat ng mga malalansang isda! Ha! Yah!"

"Pakawalan mo na ang anak ko, Ursula! Sumuko ka na!"

"Huwag kang makialam dito, Flotsam! Inubos lang naman nitong magaling mong anak ang popcorn na niluto ko. Oo! Tama ka ng narinig, Anastasia. Kinain lang naman ng anak mo ang popcorn ko!" May idiin ang bawat salita niya habang dinuduro niya ako.

Tila nawalan ako ng lakas at nabitawan ang hawak-hawak na sanga ng kahoy. Gulat akong napaatras at nanginginig ang kamay na napatakip ng bibig.  Mangiyak-ngiyak na napadako ang paningin ko kay Majinbu na abalang ngumunguya ng gummy bears. San nanggaling 'yon?

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon