Tyga's dictionary
News report- News
Wiz- Hindi
Inahing manok-Female
Fetuscini carbonara- fetus
hearing aid- narinig
earnie lopez-ears
screw driver-driver
dooraemon- doorTyga Xerxes Mondejar
Sa kabila ng magandang news report na ibinigay sa amin kanina ni doktora wiz kong magawang maramdaman ang saya na nararamdaman ng mga inahing manok tuwing nalalaman nila na may lamang fetuscini carbonara ang kanilang mga bahay bata.
Shokot pa ang lola niyo para sa sarili kong buhay, pano pa kaya kung may new specie pang tumutubo sa tiyan ko?
Chariz! Maka-new specie parang wala tayong ambag tuwing kadyot ano po?
"Hey." Isang malumanay na boses ang na-hearing aid ng aking earnie lopez ko saka ito sinundan ng pagsakop ng isang mainit at medyo magaspang na palad sa kamay kong nakapatong sa aking itlog.
Chos! Sa hita lang po. Hinay-hinay muna sa landi at tayo'y naging biktima na ng teenage pregnancy. Hashtag medyo pokpok at marupok sa titeng walang balot.
"Ba't ang lalim ng iniisip mo? Are you not happy with the news?" Ang sunod-sunod niyanh tanong sa akin. Ramdam ko ang pagkabahala niya sa tono ng kanyang boses.
Wiz akong sumagot agad dahil medyo hindi nagfu-function ang braincells natin for today. Kaya para makahugot ng sagot sa question and answer portion, nilingon ko muna ang judge natin for tonight. Lihim akong napabungisngis sa aking utak ng masilayan ang gwapo niyang mukha. Kahit sideview lang itong nasi-sight ko dahil abala siya sa pagmamaneho ng sasakyan, ang gwapo pa rin. Dito sa view na 'to mo maa-appreciate ang matangos niyang ilong na sing taas ng mount everest, iyong panga niyang parang ni-ruler ni lord para bigyan siya ng pak na pak na look tuwing umiigting ito, at iyong adams apple niyang bet kong sipsipin tuwing ginagalaw niya ang ka-inosentihan ko.
Kung ganito ba naman ka-gwapo ang pupunla sa'yo, kahit sino naman siguro mapapabuka ng hita. Pero syempre sa utak ko lang 'yon. Mahirap na at baka lumaki na naman ang ulo nito. Kung aling ulo, kayo na ang bahalang pumili. The choice is yours. We are living in a democratic country ika nga ng mga netizens. Hashtag respect my choice.
Nakita kong unti-unting umangat ang gilid ng labi niya at saka mahinang tumawa. "Alam kong gwapo ako kaya hindi mo na ako kailangan pang titigan."
Ako naman ang napatawa ngayon. Ano? Siya lang happy-happy? Charot!
Isang mapanlokong ngite ang gumuhit sa lipsung kong mas dry pa sa balat ninyo. "Medyo naalog po 'yong utak natin sa dagat ano po? Tinitingnan ko lang kung tama ba ang desisyon ng matres ko. Medyo nagdududa kasi ako."
"Wala ng silbi iyang pagdududa mo. Your ovary made a choice already kaya wala ka ng kawala pa," ang sabi niya na nakapagpatigil sa akin.
Nandoon pa rin ang ngite sa mga labi ko pero nawala na iyong kiliting naramdaman ko habang kinakausap si bossing. Umayos ako ng upo at tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Nagkikidlapan ang mga ilaw na nanggagaling sa mga gusaling dinadaanan namin.
"Pano kung...pano kung gusto kong.." Tila may bikig sa lalamunan ko habang binibigkas bawat salita. Alam kong hindi maganda ang mga susunod na salitang lalabas sa bibig ko pero alam kong kailangan ko itong ilabas. Kasi sa sitwasyon kong ito, hindi lang ito tungkol sa sarili ko. Parte na din nito si Francis.
BINABASA MO ANG
JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]
ComédieJuariz Bachelors #5 [BXB] [MPREG] Tyga Xerxes Mondejar, isang miyembro ng malaking sindikato. Sa kabila ng pagiging miyembro ng sindikato hindi kailanman humuhupa ang takot sa kanyang puso. He's a scaredy cat at kilala sa pagiging lampa. As long as...