Fact Check- totoo
False Alarm- hindi totoo
Corazon Aquino- Korek
Ma-sight-makita
Cooking show-magluto
Getching- gets/ kuha
Wiz- wala
Knows-alam
Battery Percentage- PercentageTyga Xerxes Mondejar
"One way to make your man stay is to fill his stomach with good food," ang chika ni mareng Jenefer sa talk show host ng palabas sa TV.
Napakunot naman ang kipyas ko nang marinig iyon. Nilingon ko ang merlat na si Maribel na abala sa pagngatngat ng mangga na sinasawsaw niya sa suka na may sobrang daming sili. "Fact check ba 'yan o false alarm?"
"Fact check, baks. Proven and tested."
"Corazon Aquino, Maribel! Iyan ang dahilan kung bakit patay na patay sa akin si Gavin mylabs." Ang pagyayabang ng baklang Charlote.
Parang donyang nagpapaypay ang gaga habang rumarampa papalapit sa amin. Napairap ako nang ma-sight ang nangingintab niyang labi at namumula niyang pisnge. May pa-ribbon pa ang gaga sa ulo niya. Simula nang ipagsigawan niya sa mundo na may malanding ungguyan na nagaganap sa pagitan nila ng chakabels na si Gavin ay ladlad na ladlad na ang gaga.
"Echoserang froglet ka talagang bakla ka. Marunong ka lang mag-bake ng fezlak pero hindi ang mag-cooking show! Don't me!" Ang pambabara ko sa kanya.
Sarkastikong natawa ang gaga bago tiniklop ang dala-dalang pamaypay at idinuro sa akin. "Diyan ka nagkakamali, Cruella. Ako lang naman ang grand winner sa cook fest namin noong grade 8."
Napataas ang kilay ko. "Baka siguro binudburan mo ng isang pack ng magic sarap."
"Kalahati lang. Hindi na kinaya ng budget. Nag-audition rin ako sa Master Chief before ako nag-apply bilang bodyguard ni sir Francis."
"Oh tapos?"
"Nanalo ka ba, baks?" Ang sabat ng merlat na si Maribel.
"Hindi. Sa sobrang sarap ko—este ng niluto ko in-offer-an nila akong maging judge pero tumanggi ako."
"Bakit naman?" Ang tanong ng uto-utong si Maribel.
"Mas malaki kasi ang grand prize kesa sa sweldo ng judge. Charot!" Ang sabi niya saka ako tinulak at malakas na tumawa. "Anyways, Rapunzel, getching ko naman kung gusto mong magpaka-Maria Clara sa pagiging pabebe kahit waley ka namang pukeballs. May balls ka pero wala kang puke, bakla. Kung bet mo pang masungkit ang brief at credit card ni, sir, kahit papaano ipakita mo naman na may kaunti kang interes sa kanya. Hindi iyong puro ka pabebe!"
"Oo, nga! Palagi mo na lang sinusungitan si sir! Ang aga n'on magpa-deliver ng bulaklak para may bulaklak ka pag-gising mo." Ang pagsang-ayon ni Maribel.
Napanguso ako at humalukipkip sa aking pwesto. Bakit ba?! Eh hindi pa ako handang makipag-boyfriend. Sabi ni mommy at daddy, study first daw muna. At isa pa, naka-engage na ako sa tagapagmana ng mafia group sa kabilang kanto kaya hindi ako pwedeng magka-jowabels. Kapag sinagot ko siya siguradong sasaktan siya ng fiancee ko.
Char! Ibang story pala 'yon.
"Pinagluluto ka rin niya tuwing umaga kahit may trabaho siya." Napalingon ako kay Charlotte nang marinig ang chika niya. Hindi ko knows 'yan.

BINABASA MO ANG
JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]
HumorJuariz Bachelors #5 [BXB] [MPREG] Tyga Xerxes Mondejar, isang miyembro ng malaking sindikato. Sa kabila ng pagiging miyembro ng sindikato hindi kailanman humuhupa ang takot sa kanyang puso. He's a scaredy cat at kilala sa pagiging lampa. As long as...