36

43K 2K 731
                                    

Tyga Xerxes Mondejar

"Wherelalo ba kasi tayo gogora?!" Ang inis kong tanong kay bossing nang jumusok kami sa Jurassic parking dito sa bongalicious niyang baluret.

"You'll know once we get there," ang sagot niya. Hindi na lang ako nag-say.

Abala akong naglagay ng liptint sa salamin nitong itim niyang carou. Sureness akong bago na naman itong sasakyan niya. Hindi ko naman kasi ito na-sight noong nakaraan. Kapag na-bored kasi kami ng junakis kong si Frank sa loob ng mansiones ditech kami naglalaro ng baseball. Tas padamihan kami ng salamin na tatamaan.

Charot! Nasa tamang pag-iisip pa po ako, opo.

"Do you like it?" Nabitin sa iri ang kamay ko nang marinig ko ang nakakatindig balahibong boses ni bossing.

"Ang anez?"

"The car. That's Audi R8 GT. I saw you looking at it last week."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Waley naman akong maalala na nag-sight seeing ako ng mga carrou. 'Yong mga model lang sa brochure ng brief  ni queen Austine ang sina-sight ko. "Keri lang naman. 5/5 ang mirrorit niya kaya betching. Wala ka bang pambayad? Ako na. Wag ka ng mahiya. Magkano ba?" 

"Wow! Ako pa talaga ang mahihiya? Ibang klase ka talaga."

Ngumuso muna ako sa harap ng salamin bago hinarap ang chopopong jemonyo. "May problema ba tayo dito, bossing? Kung oo, press 1. Kung hi—"

Tinakpan niya ang bibig ko at ngumise. "Breath. Sinusumpong ka na naman."

Ah, so ang tingin niya sa ganda ko pang krung-krung? Ano 'ko? Uto-uto?

"Good. Ganyan nga, breath in, breath out."

Tinampal ko ang mga kamay niyang nakasapo sa magkabilang pisnge ko. "Demonyo ka talaga!"

"Sa kama lang," ang sagot niya. Sabay pa kaming napa-sight sa Felix Bakat ng kanyang jogging pants. Jusko! Bakit ang init bigla ng world? Sinong nag-releaae ng carbon dioxide?!

Bumalik ang paningin ko sa kanyang mukha at nakita ang napaka-demonyong ngite sa buong mundo. Kaya naman pala biglang uminit. May demonyo.

Tumikhim ako at umirap.

"H-Hindi natin sure 'yan."

Mahina siyang natawa at saka ako nilapitan. Pero bago pa man siya tuluyang makalapit sa akin naitutuk ko na sa kanya ang hawak-hawak kong liptint. "Huwag kang lumapit sa akin, Carding! Hinding-hindi na ako magpapa-uto sa iyo! Tama na ang ikalabing walong beses."

Malakas siyang natawa saka walang kahirap-hirap na hinawakan ang palapulsuhan ko. Hinila niya ako papalapit sa kanya at saka ako kinulong sa kanyang matipunong mga braso.

"Pwede bang ako na lang ang Carding ng buhay mo?" Ang nakangite niyang tanong sa akin.

Ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan. Sa takot ko nilabas ko na ang mahiwagang katana at pinagpipiraso ang katawan niya. Pinulot ko ang kanyang jambuhalang notabels at isinangla kay Thanos.

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon