30

51.7K 2.3K 689
                                    

Tyga Xerxes Mondejar

Hindi ko knows kung bakit nasa-sight ko na naman ang kyotang self ko sa mga oras na ito. Jusko naman! May nagmo-movie marathon ba sa talambuhay ko ngayon?!


Kasi kung oo, please lang, sa lahat ng pwede ibalik bakit ito pa? Bakit kailangan kong bumalik ulit dito?


"Kanina ka pa! Mapapatay kitang bata ka! Ha! Walanghiya ka!" Ang sigaw ng lalaking nakatayo sa likuran ng kyotang si ako. Patuloy pa rin ang malakas niyang paghataw sa hawakan ng walis sa pwet ko.


Masakit. Kahit parang nanonood na lang ako ramdam ko pa rin 'yong sakit.


Masakit ang palo ni dad. Pero hindi iyon ang pinakamasakit. Ang pinakamasakit ay ang masaktan ka ng taong inakala mong magpro-protekta sa'yo habang buhay. What hurts the most is when your safe haven was actually your hell.

"Daddy, stop na po! Stop na! Masakit na po 'yong butt ko po!" Ang pagmamakaawa ko habang magkasugpo ang mga palad ko.

Nagmakaawa ako. Sumigaw. Umiyak. Pero gan'on pa rin siya. Hinampas niya lang ako ng hinampas hanggang sa manghina ako at hindi na makapagsalita dahil sa pagod at sakit.

Gusto kong tumakbo palayo. Ayoko ng manood. Ayoko ng bumalik. Pero ayaw gumalaw ng mga paa ko.

Naiiyak kong pinagmasdan ang sarili kong nakahandusay sa sahig. Nakita ko ang daddy na pumulot ng flower vase mula sa lamesa at itinapon iyon malapit sa akin. Gusto kong sumigaw ng, tama na, tigil na, pero walang lumabas na mga salita sa bibig ko.

"NG DAHIL SA'YO NAWALA SA AKIN ANG ASAWA KO! PINATAY MO ANG MAMA MONG HAYOP KA! KUNG HINDI KA LANG NAG-INARTE SANA NANDITO PA SIYA. SANA KASAMA KO PA SIYA! YOU SHOULD HAVE DIED INSTEAD OF HER!"

Sana nga. Sana nga ako na lang. Sana nga sinama na lang nila ako. Kasi pareho lang naman ang kinahantungan ko. I'm still in hell. I'm still suffering, still paying for something I have no control.

Sunod kong nakita ang sarili sa loob ng kwarto ng mommy ko. Mas lalong nanlamig ang pakiramdam ko nang bumalik ang ala-ala ko sa kwartong ito.

Ang batang ako ay naupo sa harapn ng vanity mirror ng mommy. Binuksan ko ang drawer sa ilalim ng lamesa at isa-isang inilabas ang mga palamuti ni mommy sa mukha. Inabot ng maliliit kong kamay ang picture frame ni mommy sa tabi at sinuri.

Kinuha ko ang paboritong lipstick ni mommy at unti-unti iyong inilagay sa mga labi ko. Hindi ako marunong kaya lumagpas hanggang sa pisnge ko ang lipstick. Sunod kong pinulot ang compact powder niya at inilagay iyon sa mukha ko. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang suklay ng mommy at ngumite.

"Ayan! I look like mommy na. Very pretty," ang masaya kong komento habang inaabot ang perfume ng mommy ko.

Gusto kong lapitan ang sarili ko at yakapin. Gusto kong sabihin na maganda ka, na kamukha ka ng mommy. Kahit may mga pasa ka sa mukha, maganda ka pa rin.

"MASON FLYNN!"

Napaigtad ako nang marinig ang malakas na boses ni daddy. Galit na galit ang mukha niyang tiningnan ako. Halos lumuwa na ang mga mata niya palabas dahil sa galit.

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon