6

47.6K 2.3K 608
                                    

Tyga's DICKionary

Fezlak- face
Chopopo- gwapo
Guardini- guard
Julubot- Kulubot
Jampung-Sampu
Carrou- Car
greenland-damo
Jubelita-bakla
Okinawa-lalaki
Kyotatalet/kyota-Bata/baby/ sanggol
Junakis-Anak
Wititit-Hindi/No/Huwag
Ukete-Uke/bottom
Bottomesa-bottom or the one being penetrated during sexual intercourse.
sinigang-gang

Tyga Xerxes Mondejar

"Dalawang maid at sampung body guard ang makakasama niyong dalawa sa bahay pagdating natin doon. You have to be very careful with your moves. I don't know kung may pinapasunod sila tita sa atin but to be sure, don't go out. Huwag mong sirain ang araw ng ibang taga-village," ang mahavanang paliwanag ni bossing habang nagi-swipe sa kanyang sosyalerang ipad.

Napataas ang aking kilay at maarteng lumingon sa pwesto ni bossing. Hinawi ko rin ang aking imagine dragons na hairlalu at humalukipkip. Char! May bata pala akong dala.

"Masira man ang araw nila, maganda ako. Masira man yang mukha mo, maganda ako. Sirain ko man 'yang buhay mo, maganda ako. Eh ikaw? Daks ka ba?" Bumaba ang paningin ko sa kanyang pantalon at napasinghap. "Daks nga, langga!"

"Fuck off!" Mabilis niyang tinakpan ang kanyang pantalon at umusog papalayo sa akin. Masama ang tinging ipinupukol niya sa direksyon ko.

Ngumise ako at winagayway ang aking hintuturo sa aking harapan. "Sir, gwapo ka. Masarap ang abs, daks, may datung pero wala kang modo. Isa kang mapanakit na pakboy na kung kani-kanino nagpupunla ng semelya niya. So it's a no for me. Wiz akong kakalampag sa iyo."

"Tangina. Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo. Fck."

Pero hindi ko na siya pinansin. Iyang mga haters natin wit na dapat yang binibigyan ng pansin. Nakakadagdag lang sila ng julubot sa maganda nating fezlak. Kailangan na fresh ang lola niyo pagdating mamaya. Excited na akong makasight ng mga borta, daks at chopopong guardini. In-i-imagine ko pa lang na pinupulutan ako ng jampung guardini ay kinikilig na ako.

Nakangiti ko siyang in-i-snob-an at saka muling umayos ng upo. Nakita kong unti-unti na ring bumubukas ang mga mumunting mata ng acute angle kong alaga.

"Hi,baby ko. Mukhang maganda ang gising natin ah. Maganda? Parang si papa? Ay sus, apaka bolero uh-oh. Sige na, sige na tatanggapin ko na. Wag ka ng umiyak. Mana ka naman sa akin eh. Mana ka? Ah mana. Very good! Very honest ang baby naman."

Maingat kong inayos ang kanyang buhok na nagulo kanina at saka ko pinanggigilan ang kanyang majubis na mukha. Ang bango talaga! Amoy baby. Panay lamang ang tawa nito habang hinalik-halikan ko siya.

"Ang cute mo talaga, nak," Humarap kaming dalawa ni junakiz kay bossing saka siya sinitsitan. Busy kasi siya sa kaka-scroll sa mga bikini girls sa ig.
Kaloka 'tong si boss parang namimili lang sa Lazada.

"Boss," Ang tawag ko sa kanya.

Hindi niya ko pinansin kaya muli ko ba naman siyang sinitsitan at tinawag, "Boss, boss, boss! Psssttt! Neil! Neil! Neil! Ne-"

"FUCKNG WHAT?!" Kunot noo na naman niyang bulyaw sa akin.

Mukhang nagulat yata si Frank sa ginawa niyang pagsigaw dahil bigla itong pumalahaw ng iyak. "Awww nagulat ba ang baby ko? Sorry po, sorry."

Paharap sa akin ko siya kinarga at saka hinagod-hagod ang kanyang likuran. "Tinakot ka ba ng mamaw na 'yon, beh? Kawawa naman itong bebe namin. Wala na ngang mama, kinakawawa pa ng daddy niya."

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon