38

40K 1.9K 369
                                    

Tyga Xerxes Mondejar

"Mabuti naman at nandito ka na," ang malamig na bungad sa akin ng merlat na si Janille pagkapasok ko dito sa sasakyan niya.

"Hindi ako umaatras sa mga chika, Clara. Kaya spill the tea. May thirty minutes ka pang natitira. Marami akong appointment na itinabi para lang pagbigyan ka kaya gora. Hanash na, beshy."

Inabot niya ang kanyang bag at kinuha ang isang baril doon. Malakas akong napatili nang itutok niya sa noo ko ang hawak-hawak na baril.

"Isususko ko na ang bataan, 'wag mo lang akong saktan. Jusko! May sampung anak pa akong binubuhay, Janille! Dumedede pa sa akin ang asawa ko!" Ang naiiyak kong pakiusap sa kanya.

Pinaningkitan niya lamang ako ng mata bago itinulak ang ulo ko gamit ang itinutok niyang baril. "You're fucking crazy."

Malakas akong napadaing dahil tumama 'yong ulo ko sa bintana ng sasakyan niya.  Pagkatapos n'on naramdaman ko na lang ang pag-agos ng dugo mula sa puke ko. Tuluyan na akong nawalan nang malay hanggang sa na-sight ko si San Pedro sa may sabungan. Charot!

"Anez ba kasi ang chikabels mo at may pa-meet up ka pang nalalaman," ang inis kong sabi habang hinihimas ang parte ng noo ko na tinutukan niya ng baril.

"Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Mondejar, nasa 'yo ba ang susi ng arsenal ng mga Toscana?"

Natigilan ako sa tanong ng gagang si Janille at tahimik na napalunok. Ramdam ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko at pamamawis ng kamay ko. Mariin akong pumikit at dahan-dahang umiling.

Naramdaman ko na mariing nakamasid sa ganda ko ang matatalim na mata ni Janille kaya hindi ko magawang tumingin sa kanya.

"B-Bakit naman mapupunta sa akin 'yang susi nila? Mukha bang may magtitiwalang ibigay sa akin ang susi ng lugar na 'yon? Jusko ha! Braincells please." Kahit na kabang-kaba na ako nagawa ko pa ring magbiro.

Hindi siya kumibo o nagsalita man lang. Tinitigan lang niya ako.

"Tama ka." Ang paniwala niya. Mas malamig pa sa aircon ang boses niya habang nagsasalita. Mula sa pagkakasandal sa manibela ay umayos siya ng upo. "Of all people inside that damn organization why would they trust such important thing to a wimpy kid like you?"

Mabilis akong tumango. "Tama! Tama!"

Umangat ang isang bahagi ng kanyang labi sa isang aroganteng ngite. "I heard kailangan din ng password ang pintuan ng arsenal para mabuksan."

Kinakabahan akong tumawa. "Umaasenso na talaga ang mundo ano? May I am not a robot din ba doon?"

Sunod-sunod akong lumunok nang ngumite siya sa akin. Abot hanggang mata ang ngite sa kanyang mga labi.

Hindi ngumingite ang demonyitang 'to.

"I remember seeing you on Collete's room deciphering some shit with him. Ikaw lang ang nakakaalam sa password hindi ba?" Ang tanong niya. Singbilis ng kidlat nawala ang ngite sa mga labi niya. Si  Collete ang dating namumuno sa Cyber Unit ng organisasyon. Isa siya sa mga pinakamalapit sa akin noong nasa loob pa ako ng organisasyon.

Natahimik ako. Nanatili lang akong nakatingin sa mga kamay kong nakapatong sa aking hita. Madaming tanong ang tumatakbo sa isipan ko katulad ng bakit jambuhala ang notabels ni bossing at medyo pa-c section ang kurba. Ramdam ko eh. Ramdam na ramdam ko!

"Mondejar!" Napaigtad ako nang sumigaw ang gagang si Janille. Jusko ha! Masyadong KSP ang lola niyo.

"Anez ba?!"

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon