4

47.9K 2.5K 1K
                                    

Tyga Xerxes Mondejar

Kasalukuyan akong nagbubungkal ng damo sa harap ng valur ni bossing nang mahagip ng paningin ko ang merlat na rumarampa papasok sa gate. Sinubukan pa siyang pigilan ni kuyang guard pero tinampal niya lang ang kamay nito.

Napataas ang kilay ko nang makita ang suot ni mare. Suot-suot niya lang naman ang isang itim na bodycon dress na pinarisan niya ng isang itim na high-heeled shoe. Nakasuot pa siya ng sunglasses kahit umaambon naman.

Pak! awra na awra si madam.

"Where's your amo?" Ang kaagad niyang tanong sa aketchi nang tumigil siya sa aking harapan.  Amoy na amoy ko tuloy ang akapa tapang niyang pabango. Ang baho! Ang baho-baho talaga! Pang 10k ang amoy nakaka-allergy. Di keri ng sensitive kong nose.

Napakurap ako. Walang modo si mare! Bagay na bagay nga siya kay bossing. Perfect match ang ugali nilang inspired kay Satanas.

"Po, sino po?" Ang tanong ko pabalik kahit obvious naman kong sinetch ang tinutukoy niya.

Like hello? May iba pa ba kaming amo dito bukod kay bossing na walang ibang ginawa kung 'di ang gumising at laitin ang ganda ko?

"Are you dumb?! May iba ka bang amo dito?! It's Francis, you stupid peasant! Tawagin mo! FASTER!" Napapikit ako't napaurong sa tinis ng boses niya. Aba....kabog! May panlaban na tayo kay Mariah Carey sa patinisan ng boses.

"Ay, yes, ma'am! Hehe! Sige po!" Tumalikod na ako sa babaeng 'yon at tinakbo si bossing sa loob ng valur niya. Hindi ko na pinansin ang mga madudumi kong apak dahil sa pagmamadali.

Pagtigil ko sa harap ng kwarto niya, buong lakas ko itong kinatok ng paulit-ulit pero wala talagang sumasagot. "BOSS! BOSS! EMERGENCY! EMERGENCY! EEEEMEERRGEEEENNNC——"

"WHAT?!" Nabitin ang sinasabi ko nang bumukas ang pintuan at iniluwa mula doon si bossing na magkasalubong ang kilay at halatang iritado at galit na galit.

Pero kever! Hindi dapat tayo matakot. Pirmado na ang kontrata, mga betla! Secured na ang korona.

"B-Boss..si...si..." Muli kong inalala ang mukha ng babae. Sa dami ba namang babae ni boss medyo mahirap ring alalahanin iyon.

"Sino?!" Napaigtad ako sa kinatatayuan ko dahil sa pagsigaw niya. Gago to! Kung makasigaw akala mo naman nasa ibang bundok ako nakatayo. Paano nalang kapag nasira itong eardrums ko? Edi wit na ako makakarinig ng ungol. Huhu.

"Kalma lang. Easy. Si mayor Louisa Villegas-Ignacio lang 'yong nasa baba, boss."  Ang sabi ko sa kanya.

Mas lalo lang yata siyang nagalit sa sinabi ko. Mas lalo kasing nagkasalubong ang mga kilay niya at iyong mga tingin niya, akala mo babalatan ako ng buhay.

"Why did you let her in?! I made my instructions very clear awhile ago. Walang papapasukin kahit sino! Bobo ka ba o tanga lang?!" Ang bulyaw niya sa mukha ko. Napapunas pa ako sa mukha ko ng wala sa oras dahil tumalsik 'yong laway. Ew! Kadiri ah.

"None of the above, sir. Cute lang ako. Go go gaga!" Inilagay ko sa aking pisnge ang aking mga hintuturo at nag-beautiful eyes sa kanyang harapan.

Mas lalong nasira ang kanyang mukha sa ginawa ko. Marahan siyang napailing habang nandidiring nakatingin sa akin. Ge lang. Mandiri ka lang. Tanggap ko namang wala kang taste.

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon