Tyga Xerxes Mondejar
I looked at my piano keys frustratedly when I couldn't hear the notes that I wanted to hear. I wanted to play something so I could be happy again pero ayaw talaga. I became more sad instead.
"What's wrong, baby? Bakit malungkot si kuya, hm?" Napalingon ako sa mommy ko nang marinig ko ang boses niya.
Her voice always sounds so warm and angelic. I was always inspired to play the piano and violin because I wanted to accompany her beautiful voice. Her voice always brings peace inside our home, inside my heart.
"Mommy, hindi po ba dadating sila Gavin at Carmen po? I want to show them my new toys, mommy."
Gavin is tita Shei's son while Carmen is tita Vina's daughter. Their mommies are my mommy's friends kaya friends din kami even though Gavin teases me and Carmen most of the time.
"Is that the reason why you're sad, babe? Let's wait for awhile ha. Nag-text ang tita Shei mo, may dinaanan lang daw sila. They might brought someone here kasi gusto dawng sumama ng isa pang friend ni Gavin."
"I'll have more friends po?"
"I'm sure they're going to be your friends. Ang cute at lovable kaya nitong baby ko. Di ba?" Ang nakangite niyang tanong saka mahinang kinurot ang pisnge ko.
Seeing my mommy smile, I couldn't help myself from smiling too. I don't have a lot of friends in my school because my classmates don't like me. They think I'm bad and weird. Kasi last time, sabi ni Emma, 'yong classmate ko rin, na crush niya ako in front of the class. She even gave me chocolates and flowers. But I don't like her. Si Carlos 'yong crush ko kasi he knows a lot about pianos, notes and music.
Umiyak si Emma n'ong sinabi kong hindi ko siya crush at ayaw ko siyang maging girlfriend. Sabi ko naman sa kanya na pretty siya eh pero ayaw pa rin niyang tumigil sa pag-iyak. Kaya sabi ko ugly na lang siya pero mas lalo lang siyang umiyak.
Kaya ayaw ko talaga sa mga girls kahit mga pretty sila. They're so hard to understand. Hindi naman ganito ang mommy ko. Alien ba sila?
"Gavin!" Ang masaya kong sigaw nang makita ko siyang bumaba sa car nila mula sa wall namin na gawa sa glass.
Tumakbo ako palabas ng bahay para salubungin siya pero napatigil ako ng makita kong may bumaba pang isang batang babae at batang lalaki sa car nila.
It's weird. I can see the girl's face but I can't see other boy's face. The sun shines so bright I can't see his face clearly. I squinted my eyes at him but I really can't see it.
May sinasabi sila sa akin pero hindi ko marinig kung ano. Gavin's telling me their names pero hindi ko ito marinig.
Sunod kong nakita ang sarili sa playroom ko. I saw myself standing in front of a taller guy.
"What? You think you're prettier than -" hindi ko narinig ang pangalang binanggit niya but I heard him again, "Hoy, Gavin, di ba ang pangit niya? Sabihin mo, oo."
"Pangit? Hindi naman siya pangit eh." Napangite ako sa sinabi ni Gavin. See! Hindi naman ako ugly eh.
"Ano?! Bawiin mo 'yon." Mas lalo pang lumakas ang boses ng lalaking nasa harapan ko. Napanguso nalang si Gavin at napakamot sa ulo niya.
"O-Oo na! Pangit na siya."
Naiiyak kong tiningnan ang batang lalaki. I'm not upset that Gavin called me ugly kasi mas pangit siya sa akin but I don't like it when this guy called me ugly. I don't know why I wanted to impress him. Deep in my little heart, I know I wanted him to acknowledge me. I wanted him to say that I'm beautiful. I wanted to hear him say that I'm cute again.
BINABASA MO ANG
JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]
HumorJuariz Bachelors #5 [BXB] [MPREG] Tyga Xerxes Mondejar, isang miyembro ng malaking sindikato. Sa kabila ng pagiging miyembro ng sindikato hindi kailanman humuhupa ang takot sa kanyang puso. He's a scaredy cat at kilala sa pagiging lampa. As long as...