47

34.1K 1.5K 369
                                    

HAPPY APRIL FOOLS!

Tyga Xerxes Mondejar

"Mondejar, gumising ka."

"Hmm..."

"Mondejar, gumising ka. Bilisan mo."

"Jusko naman, Francis! Matulog ka diyan. Buntis ako, magsarili ka muna." Inis akong napakamot ng ulo at hinila ang kumot para takpan ang buo kong katawan.

"Mondejar, putangina, gumising ka diyan!" Sige lang, murahin mo lang ako. Tingnan natin kung may jusawa ka pa bang makikita bukas.

"...."

"Mondejar! Si Sebastian 'to."

Ha! Ako pa talaga niloloko niya? Ano ako? Hilo? Madaling mabodol? Sebastian niya mukha niya pakain ko pa sa kanya iyang birth—

"Anak ka ng tite! Sebastian?!" Parang binuhusan ng malamig na tubig ang silicone breast implant ko nang makita ko si Sebastian na nakatayo sa tabi ng higaan.

"S-Sebastian?" Ang nauutal kong tanong sa kanya habang taas-baba ang pagsuyod ko sa kabuuan niya. "T-Totoo ka ba?"

Sarkastiko siyang natawa at saka tumugon sa malamig na boses, "sa tingin mo?"

Sinampal ko ang mukha kong namamaga pa para i-fact check kung awide awake ba talaga tayo according to Katy Perry circa 2012. "Aray!" Gaga ang sakit. Real na real nga walang halong preservatives. 

"Tumayo ka na diyan at umalis na tayo. Naghihintay na ang mga tauhan ko sa baba." Ang seryoso niyang saad bago niya ako tinalikuran. Akmang maglalakad sana siya papunta sa may balkonahe pero agad ko din siyang napigilan. Wit tayo mag-wa-walk out sa classroom without proper explanation and expression of freedom kemerot.

"Anong naghihintay ang mga tauhan sa baba eme? Wiz akong sasama sa iyo, Sebastian. Ang utos sa akin ibibigay ko lang sayo 'yong susi at 'yong code ng arsenal. Ayoko ng bumalik sa mundong 'yon. Jusko naman." 

Medyo na-i-stress na naman ang beauty ko kaya kinailangan kong huminga ng malalim. Kahit sobrang lakas ng aircon umiinit pa rin ang ulo ko. Hindi ganito ang usapan namin noon. Pinangako nila na si Sebastian na ang bahala sa lahat. Sa oras na maibigay ko sa kaniya doon na dapat magtatapos ang ugnayan ko sa kanilang lahat. Ito na 'yong huli kong misyon. 

Marahas siyang humarap sa akin. Kitang-kita ko ang pag-tagis ng bagang niya. Yumukod siya at mariing hinawakan ang magkabila kong balikat. Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan ang mga kamay niyang mahigpit na nakakapit sa balikat ko at napalunok. Nakalimutan kong isa nga pala ang tao ko sa nagpapatakbo ng organisasyon. 

"Mondejar, naririnig mo ba 'yang sarili mo?" Ang may diin niyang tanong sa akin habang diretsong nakatitig sa mga mata ko. "Kung hindi ako nangako kay Janille hindi kita tutulungang makatakas sa mga hayop na 'yon. Alam na nila kung nasaan ka, Mondejar. Alam nila kung anong kinalaman mo sa arsenal. Sa tingin mo ba kapag nalaman nilang wala sa iyo ang susi hahayaan ka nilang mabuhay? Hindi sila mag-iiwan ng ebidensya, Mondejar. Liligpitan ka nila sa oras na mahuli ka nila. Hanggat hindi sila nasisira, walang kasiguraduhan ang buhay mo." 

Parang bigla akong natauhan sa sinabi niya. Parang naging panaginip 'yong kahapon at lahat ng nangyari. Ano ba kasing iniisip ko? Na gan'on lang ka simple ang lahat? Na kapag binigay ko sa kanya ang susi tapos na?

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon