11

42.4K 2K 569
                                    

Tyga's DICKtionary

Yawa- Demonyo
Sinechi Kudo/ng- Sino
Spirit of the glass- kaluluwa/spirit
Chopopo-gwapo
Balur-house
Borta-malaki ang katawan
Okinawa/otoko-lalaki
Kyota- bata/baby
Merlat-babae
Anitch- Ano
Ditech- Dito
Waley-Wala
Wititit-Hindi
Chika- sabi
Ma-sight- makita
Telitabi- tabi
Daanez- daan
Kabog-talo

Tyga Xerxer Mondejar

Kalma lang, baklita ka. Hindi ka niya makikilala. Hindi ka niya niya makikilala. Nagbagong anyo ka na. Isa ka na ngayong namumulaklak na Pikachu.

"Oh my! Is that you na ba, Francis? Ang gwapo-gwapo mo ng bata. You're so mature na. Parang dati lang tumutulo pa uhog mo habang nakabuntot kay Andrea."

Iyong kabang naramdaman ko kanina ay agad na nalusaw matapos kong marinig ang sinabi ng babae. Mahina akong napahagikgik dahil doon. Shuta, ang arte-arte ng okinawang itachi. Kung makapanglait sa ganda ko akala mo kung sinechi kudong chopopo, isa naman palang dakilang uhugin. Pwe!

Palihim niya akong siniko sa gilid ko bago niya sinalubong ang babae. Mahina akong napadaing habang hinihimas ang parteng siniko niya. Feel ko na-dislocate yata ang boobs ko sa lakas ng impact. Char! Wala pala ako n'on.

"It's nice to see you too, tita Shei." Ang magalang nitong pagbati sa babae. Pero parang may itim na usok akong nakikitang lumalabas mula sa katawan niya. Sinasabi ko na nga ba, kampon talaga ng kadiliman ang otokong 'to.

"Is this Andrea's baby na ba?" ay wititit po, madam, napulot lang namin 'yan sa telitabi ng daanez. "OMG, he's very cute. I remember Gavin tuloy when he was younger. Do you remember Gavin ba? 'Yong kalaro din ninyo before ni Andrea. Hay naku, super sakit na sa ulo ko talaga. Girls, party, racing, sana magpakasal na siya para may karamay na din ako sa pagsakit ng ulo. Ay oo nga pala, where is your husband, ijo? I wanna see him na dali."

Napangiwi ako nang marinig ang conyonitang itachi. Sinapian yata ang merlat na itachi sa yayamaning spirit of the glass ni tita Julie at Kris Aquino.

"'Ga, come here, babe."

Oras na para sa pang-FAMAS award na aktingan bakla. Ikaw na ngayon si Tyga Xerxes Mondejar-Juariz. Ang baklitang pinagpala, ina ng isang batang mataba, asawa ng yawa. And I thank you.

Parang na-reprogram ang mukha ko at agad itong naging mukha ng isang ulirang ina at asawa. Iyong gilid ng mga labi ko ay bahagya lamang na nakataas sa bawat gilid. Kahit tipid at mahinhin ang aking mga ngite, hindi ko naman kinalimutang pasiglahin ang aking mga mata. Ito ako ngayon. Ito ang karakter ko. Kailangan kong mapaniwala ang aking sarili na ito ang totoong ako para mapaniwala ko rin ang lahat. That's the essence of being a multi-plication table actress of the century tuna.

At saka matagal ko na naman itong natutunan. Sanay na akong magpanggap kaya chicken na chicken lang ang trabahong 'to sa akin. Alam kong kakayanin ko ulit ang magpanggap sa loob ng ilan pang taon. Kinaya ko na dati kaya kakayanin ko ulit ngayon. Para sa kalayaan ng inang bayan. Ipaglaban mo! SOCO!

Nang inilahad sa akin ni bossing ang kamay niya, walang pag-aalinlangan ko itong tinanggap. Ilang hakbang pa ang aking ginawa bago nakarating sa tabi niya.

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon