44

39.6K 1.7K 421
                                    

Tyga Xerxes Mondejar

"Gaga ka, san ka na naman gogora?" Bumaba ang eyesight ko sa baklang Charlotte na nakatayo ngayon sa may paanan ng hagdanan.

Ngumite ako sa kanya at taas noong sinagot ang question and answer portion.
"Maghahanap ako ng afam."

"Sa laki ng notabels ng jusawa mo nag-iisip ka pang maghanap ng ibang notang sasakyan? Masyado mo naman yatang feel iyang wig mong chipipay."

Inirapan ko siya. Anong chipipay? Five thousand kaya original price nito sa shopee. Nasali sa 13.13 sale kaya five hundred na lang.

"Whatever, Marga. Inggit ka lang kasi mas bet ni Kristof na hilahin ng parang sleigh itong buhok ko kesa diyan sa buhok mong mukhang bolbol ni Francis!"

Marahas akong napalingon sa aking likuran ng may marinig akong may mga suminghap. Hulaan niyo kung sino? Sino pa kung di ang mga minions lang naman ni Francis.

"Parang bolbol daw ni sir, day." Ang narinig kong bulong ni Cookie kay Maribel.

"Maitim pala bolbol ni sir, day. Akala ko brown. Brown kasi 'yong buhok niya."

Sa halip na mainis kasi pinag-uusapan nila ang bolbol ng bebe ko medyo napaisip din ang braincells ko sa chikabels nila. Bakit kaya maitim 'yong bolbol ni Francis eh brown naman 'yong buhok niya? Gusto ko sanang itanong kay kuya Kim kaso lumipat na siya ng GMA.

"Papa, done na ako po."

Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang isang maliit na boses. Mabilis akong bumaba at kumapit sa baklang Charlotte.
"Bakla, narinig mo ba 'yon?"

"Papa! It's me. Papa, it's me Frank, papa."

Malakas akong tinulak ng baklang Charlotte at hinampas. "Gaga ka! Tigil-tigilan mo nga 'yang anak mo. Jusko, paano na lang ang mundo kung magmamana 'yan sa'yo, bakla?"

Umirap ako sa kanya at hinampas siya pabalik bago itinuon ang buong pansin sa junakis kong cute na cute sa kanyang suot-suot na dilaw na dress. Hindi ko na siya pinasuot ng wig. Tinalian na lang namin ang bawat gilid ng kanyang buhok ng mga floweret na pantili at readyng-ready ng irampa sa sidewalk.

"Papa, ganda ako?" Ang nakangiteng tanong niya sa akin at saka umikot.

"Bet na bet, anak! Manang-mana ang ganda kay papa. Ready ka na bang rumampa sa stage?"

Sunod-sunod siyang tumango at saka yumakap sa binti ko. Nilingon ko ang baklang si Charlotte na ngayon ay abala sa pagtipa ng cellphone niya. Halatang kilig na kilig ang gaga sa paraan ng pagngite niya. Ngayon lang 'yan, bakla, bukas iiyak ka rin.

Siniko ko siya para makuha ang atensyon niya.

"Anez na naman ang kailangan mo sa gandang taglay ko?" Ang tanong niya na ikinatawa ko.

"Waley! Wala ka namang gandang taglay, gagang 'to. Aalis na kami ng junakis ko. Chinika ko na kay Francis na hindi ka makakasama."

Naiiyak siyang kumapit sa braso ko. "Truedis, ba 'yan, baks?"

"Confirmed na nga! Alam kong makikipaglandian ka ngayon sa jowa mo kaya 'wag mo ng alalahanin ang ganda ko."

Malakas siyang tumili at hinampas-hampas pa si Niña nang dumaan ito sa harapan niya. "Ano ba, 'yot?! Nabo-boang ka na ba?" Ang inis na saway sa kanya ng merlat habang pilit na binabawi mula kay Charlotte ang damit niya.

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon