Prologue

97.2K 2.7K 1K
                                    

Tyga's Dicktionary

Otoko-lalaki

Tyga Xerxes Mondejar

Nanginginig ang paa ko habang pinapanood ang espiya ng gobyerno na pinupugutan ng ulo. Kung pwede lang mahimatay, kanina ko pa piniling mahimatay. Pero baka sa kabaong na ako magising kaya wit na muna tayo mag-inarte.

"Ay!" Ang hiyaw nang tumilapon ang ulo ng otoko papunta sa paanan ni Kolas.

Lahat sila ay napalingon sa direksyon ko. Malakas akong tumikhim at saka isa-isa silang tinanguan bago tiningnan si bossing.

"A—Ayan na ho sa labas ang mga pulis, bossing," ang sabi ko gamit ang aking pinalalim na boses. "Narinig ko yata sila kaninang bumusina."

"ANO?!" Silang lahat ay galit na napatingin sa akin.

Ane ne nemen be keselenen ke?

"PUTANG-INA! SANA SUMINYAS KANG BOBO KA! TARANTADO!" Ang galit na sigaw ng majubis kong amo.

Sorry naman ano? Hindi ko naman knows na keri lang pala disturbuhin ang seremonya mo po, bossing. Sana nag-say ka para na-inform naman ako.

Wit nalang akong nagbigay ng public opinion dahil shokot pa ang beauty ko sa. Baka ang ulo ko pa ang sunod na gumulong sa lupa. 

"TAYO NA! ANG MAHUHULI PAPATAYIN KO!" Ang banta ni bossing at saka tumatakbo palabas sa lugar na 'yon.

Narinig ko ang sunod-sunod na putok mula sa labas ng gusali. Kahit nanginginig na ang katawan ko dahil sa takot, determinado pa rin and ganda kong makahanap ng nota. Charot!

Nagpahuli ako ng takbo sa kanila at lumihis ng daan. Mabilis akong tumakbo na para bang hinahabol ng higanteng nota ni Jakipz. Nang papalapit na ako sa may bukana May nakasalubong akong pulis na walang pag-aatubling pinaputukan ako.

"Sumuko ka na!"

"Mama! Kuya, sorry po!"

Pikit matang pinaputok ko rin sa kanya ang dala-dala kung armas. Maarteng nakataas ang hinliliit ko habang kinalabit ang gatilyo ng baril.

"Sorry, Lord!" Nag-sign of the cross muna ako bago itinuloy ang pagshakbo palabas ng gusali.

Nilibot ko na ito kaninang umaga habang nagra-round kami. May na-sight akong butas sa may firewall na natatabunan ng mga malalaking damo kaya hindi halata. Dito ako dadaan palabas ng building.

Jumapang ako doon at lumabas sa isang maliit na daan. Pagitan ito ng dalawang malalaking gusali. Gabi na kaya wit kong ma-sight ng maayos ang dinadaanan ko. Ilang minuto rin akong rumampa sa maliit na espasyo na 'yon bago ako nakalabas sa isang tahimik na kalsada. May matataas na damo sa kabilang bahagi ng daan. Tanging isang poste lang ng ilaw ang nagbibigay liwanag doon.

Nakayukong lumapit ako sa sasakyang nakaparada sa madilim na parte ng kalsada. May dumaan kasing mga carou ng mga pulis. Pigil hininga akong nagtago sa sasakyan na 'yon hanggang sa hindi ko na marinig ang wangwang ng mga pulis.

Impit akong napasigaw at saka kinagat ang kamao ko. Shet, lasang lupa. Napatigil ako ng makarinig ako ng kakaibang tunog mula sa loob ng sasakyan. Umalog-alog pa ito na para bang may personal silang lindol sa loob.

"OH MY GOD! OH MY GOD! FRANCIS, I'M COMING! AHHH..Oh Yeah..yes..yes..fuck me..fuck me.."

Ay! Iba! Mukhang sarap na sarap sa tusha ang merlat. Napapahiyaw. Daks ba gurl? Ayaw niyo pasali? Chareng!

Tumigil sa pag galaw ang sasakyan at saglit na nag-silent mode. Na-mute ko ba?

Nawala na ang atensyon ko sa kanila ng maaninag ang paparating na van nila bossing. Nakasunod sa kanya si Pablo, ang ex-crush ko at mga julalay nito na nakasakay rin sa kanya-kanya nilang motorsiklo.

Bonggabels ang pa-ilaw ni mayor sa motoriklo niya kaya sureness akong ma-si-sight niya ako dito pinagtataguan ko.

Narinig kong nag-click ang pintuan na sinasandalan ko kaya umusog ako ng kaunti papunta sa pintuan sa may bandang unahan. Isang nakatakong na paa ang bumaba mula sa sasakyan. Isinara nito ang pinto bago rumampa papunta sa pwesto ko. Mabuti nalang at nakaitim ako kaya hindi niya ako napansin. Tahinik akong gumapang pabalik sa sinasandalan ko kanina.

"Goodbye, Francis. Just call me when you want to have some fun. Okay? See you."

Nanlaki ang mata ko ng matapatan ako ng ilaw mula sa motor ni Paolo. Alam kong na-sight na niya ang beauty ko.

"HOY, SERSIS!" Sigaw niya pero mabilis kong nabuksan ang pintuan na sinasandalan kong carou at saka jumusok dito.

"KYA!!! ANDAR NA!" Sigaw ko sa lalaking nakaupo sa driver seat.  Pinalo-palo ko ang kanyang balikat ng tumigil sa unahan ang grupo ni Paolo para bumalik sa pwesto ko.

"What the fuck—" Kinabig niya ang manibela paliko sa direksyon na pinanggalingan nila Paolo dahil pinapaulanan na nila kami ng bala.

"BILIS MO! ANG BILIS MONG KUMADYOT KANINA ANG BAGAL-BAGAL MO NAMANG MAGMANEHO!" Sigaw ko habang sinisilip sila Paolo sa likuran ng sasakyan.

Mas binilisan pa nito ang pagtakbo ng sasakyan. Napapikit nalang ako ng mariin habang tinatakpan ang tenga ko. Sobrang bilis ng sasakyan para akong hinahatid papunta kay Lord. Ilang minuto ko ring narinig ang putukan bago ito tuluyang nawala.

Biglang tumigil ang sasakyan kaya napasubsub ako papunta sa maliit na espasyo sa pagitan ng driver's seat at shotgun seat. Sapul na sapul sa eyesight ko ang birdie ni kuya. Hindi kasi ito nakapagpalit ng damit kanina.

"Ay, winner! Daks ang lolo niyo." Ang wala sa sariling komento ko habang titig na titig pa rin sa alaga niya. Ang laki, gurl! Kaya pala napapahiyaw ang merlat kanina. Sirang-sira pala ang matres.

Nabalik lang ako sa katinuan ng batukan niya ako. "Masakit!" Umayos ako ng upo at tiningnan ito ng masama.

"Who are you?" Ang seryoso nitong tanong sa akin. Nakakatakot ang boses ng okinawang ito.

Pero sa halip na sumagot ay napatitig lang ako sa mukha niya. Napatutup na lang ako sa aking bibig ng marealize kong sino itong lalaking nasa harapan ko.

"N-Neil F-Francis Juariz? D-di ba ikaw 'yon?" Ang nanginginig kong tanong dito. Nakita ko namang kumunot ang noo niya sa pagtataka.

"Maawa ka...tulungan mo naman ako." Hindi ko na napigilan ang luha ko.
-----------------------------------------------------------

Stay healthy, keep safe and God bless you all po! Labyu ol!

Edited April 19, 2021

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon