54

32.6K 1.3K 116
                                    

Tyga Xerxes Mondejar

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko habang tinatanaw ang abandonadong mansyon di kalayuan mula dito sa kinatatayuan ko. Sa oras na humakbang ako papalapit sa lugar na iyan, wala na akong kawala kay kamatayan. 

"We already surrounded the area, Tyga. Ganoon din ang kalaban. You can proceed," ang mando ni Alex mula sa maliit na earpiece na ibinigay niya sa akin bago namin nilisan ang lungga niya. 

Humugot ako ng hininga at pumikit. "Ang anak ko, Alex?" 

"Your father safely transported your child to your husband's house. No need to worry about anything, Tyga. I want you to focus on your mission and end everything here. Are we clear?" 

"Okay," ang kalmado kong pagsang-ayon. 

Nagsimula akong humakbang. Mabibigat ang bawat hakbang na ginagawa ko papalapit sa lugar na iyon. Kasabay nito ay ang pagbabalik ala-ala ng napag-usapan namin ng dad bago ako umalis sa lungga ni Alex.

"You'll be transported in an hour. Prepare yourself." Napatigil ako sa paglalaro sa anak ko nang marinig ang isang pamilyar na baritono mula sa aking likuran. 

Hindi ako sumagot at patuloy na tinitigan ang anak kong nakatitig pabalik sa akin mula sa crib niya. Isang magaang ngite ang naipinta sa aking mga labi. Sa bawat araw na nagdaan na nakakasama ko ang anak ko, mas lalo akong napamahal sa kaniya at nagsisisi sa mga bantang nasabi ko dati para ipalaglag siya. 

I'm sorry, anak. 

"Look at him, dad," ang mahina kong saad. Ramdam kong hindi pa siya umaalis sa likuran ko. Hindi ko alam kung ano ang hinihintay niya mula sa akin. 

"Ito na po 'yong apo niyo. When you send him to my husband, remember to look at his face dad. You'll be taking another one of your bloodline's childhood. Look at his face carefully and celebrate another victory. How fun is it to ruin your own child's life, dad? Masaya ba sa pakiramdam na sa wakas ay makikita niyo na akong mamatay kagaya kina mommy at ng kapatid ko? Masaya ba sa pakiramdam na kukunan niyo rin ng ama ang apo ninyo at ng asawa ang asawa ko kagaya niyo dad? 

Give him to my husband, dad. Alam ko na kahit mawala ako aalagaan ni Francis ang anak namin. Hinding-hindi niya ilulunod ang anak namin sa drum na puno ng sili. He won't leave his child inside a syndicate. He won't turn a blind eye over a loss of finger toes. He won't be able to sleep without checking if our child is fine or not. 

I will forever hunt you in your dreams, dad. I will show you every bit of my torn flesh and draining blood. I hope you  won't be able to sleep peacefully at night." 

Tumigil ako sa paglalakad nang marating ko na ang bukana ng mansyon at napatingala sa kalangitan. 

Guide me, mommy. Kayo na po ang bahali sa akin.

Humugot ako ng lakas ng loob bago tuluyang inabot ang higanting pintuan. Dahan-dahan ko iyong binuksan, naging mapagmatyag sa buong paligid. Hindi pa ako nakakapasok sa lugar na ito. Sinaulo ko lang ang mapang ipinakita sa akin ni Sebastian dati. 

Lumiko ako mula sa malawak na entrance hall at tinungo ang dining room. Naupo ako sa kabisera ng mahabang lamesa at hinintay ang pagdating ni kamatayan. Inilibot ko muna ang paningin sa buong paligid at lihim na namangha sa ganda at lawak ng mansion. 

The place reminds me of renaissance architecture. Sobrang detalyado ang pagkakaukit ng bawat parte ng bahay. Sayang nga lang. All your wealth and power will eventually crumble down especially when you gain those from harming other people.  Their power and wealth are as fragile as glass. 

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon