Tyga Xerxes Mondejar
"Sebastian," ang buntong hininga ko nang sagutin ng kabilang linya ang tawag ko. Ramdam ko ang pagtindi ng tensyon sa buo kong katawan habang hinihintay siyang sumagot sa kabilang linya.
"Kung gusto mo pang mabuhay umalis ka na diyan, Mondejar."
Bumaba ang tingin ko sa screen ng laptop na nasa harapan ko at taimtim na napatitig doon.
Benovich Group of Companie CEO, Francis Juariz, is linked to multiple accounting frauds.
Juariz Holding Corporation is under investigation for questionable company practices.
Juariz Corp's former CEO was suspected of illegal drugs and firearms smuggling in the country.
Juariz and Benovich's stock plummets following the latest company controversy.
Sa bawat letrang nababasa ko, unti-unting bumibigat ang pakiramdam ko. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Una si Maribel, tapos si Niña, pagkatapos ngayon sila Francis naman. Parang unti-unti ng lumilitaw ang lahat ng kinakatakutan ko noon. Pero hindi ako ang nasasaktan kung hindi ang mga taong malalapit sa akin.
"Palapit na sila ng palapit, Mondejar. Kilala mo sila. Uunti-untiin ka nila hanggang maubos ka. Kung ako sa'yo tumakbo ka na.
Natuntun nila si Janille kanina. Napuruhan ang ulo niya at nasa kritikal ang kondisyon siya ngayon."
Marahas akong napasinghap at napakapit ng mahigpit sa cellphone ko. Parang bigla akong nawalan ng kakayahang magsalita. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko.
Sino pa ang isusunod nila? Si Charlotte? Ako? Si Frank?
Marahas kung pinunasan ang luhang pumatak mula sa mga mata ko saka ako napayakap sa tiyan ko. Kahit tumakbo ako, hahabulin at hahabulin pa rin ako ng multo ng nakaraan ko. Ngayon, hindi lang ako ang masasaktan at mawawalan, pati na rin ang mga taong malalapit sa akin.
At alam ko sa sarili kong kasalanan ko 'to.
Ako ang lumapit sa kanila. Hindi nila alam kung anong klaseng tao ako. Kung malalaman nila, siguradong kamumuhian nila akong lahat.
Hindi nila ako maiintindihan.
At iyon ang kinakatakutan ko. Natatakot akong mawala ang mga taong tinuring ko ng pamilya. Natatakot akong harap-harapang marinig mula sa kanila kung gaano sila kagalit sa akin.
"Doon...doon pa rin ba tayo magkikita?" Ang mahinang tanong ko.
"Oo."
Napabuga ako ng hangin at pikit matang nagsalita. "Bukas. Ala una ng umaga, magkita tayo doon."
Mabilis kong naibaba ang tawag nang bumukas ang pintuan dito sa kwarto. Nakita ko si Francis na papasok.
Ramdam ko ang mabigat na awra sa paligid niya habang naglalakad palapit sa akin. Nang magtagpo ang paningin naming dalawa pilit naman siyang ngumite. Alam kong hindi maganda ang pakiramdam niya ngayon. At hindi ko maiwasang ma-guilty. Ako ang dahilan kung bakit nagkakaganito siya.
BINABASA MO ANG
JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]
HumorJuariz Bachelors #5 [BXB] [MPREG] Tyga Xerxes Mondejar, isang miyembro ng malaking sindikato. Sa kabila ng pagiging miyembro ng sindikato hindi kailanman humuhupa ang takot sa kanyang puso. He's a scaredy cat at kilala sa pagiging lampa. As long as...