39

39.9K 2K 1K
                                    

Tyga Xerxes Mondejar

Nakakalat sa buong sahig ang mga petals ng rosas. May mga kandila ring nakasilid sa baso ang naghugis puso sa paligid ng lamesa sa harapan. Nakasabit naman ang nakaparaming pictures mula sa kisame ng buong lugar. May napakalaki at sosyales na chandelier naman ang nakasabit sa gitna ng kisame. 

Dahan-dahan akong lumapit sa isang picture at sinuri ito. Isang maliit na ngite ang gumihit sa mga labi ko nang makita kung ano ito.

Ito 'yong una naming picture noong mga kyota pa lang ang mga beauty namin. Walang ka-emo-emosyon ang fezlak ni bossing dito habang sobrang laki naman ng ngise ko habang nakakapit sa laylayan ng t-shirt niya. Naalala ko 'to eh. Ako pa talaga nag-request kay mommy na kunan kaming dalawa ng picture.

"Ilang beses ng nag-away." Napalunok ako nang umalingawngaw sa buong paligid ang pamilyar na boses ni Francis.

Napalingon ako sa direksyon na pinanggalingan ng boses niya at nakita ang pag-ilaw ng parte na 'yon. Napataas ang kilay ko sa nakita. Pero nandoon pa rin ang ngite sa mga labi ko.

Nakatayo si bossing sa ibabaw ng isang platform. May nakasabit na gitara sa kanyang balikat at nakangiteng nakatingin sa akin. Napapalibutan ng napakaraming bulaklak ang kandila ang buong platform. Sa ibabaw niya may kumikislap na mga letra na sinasabing, 'Can you be mine, 'ga?'

Bukod sa ugali niyang pinaglihi kay Satanas wala na bang ibang ka-pintas-pintas sa kanya? Pati ba naman pag-kanta hinakot na niya? Jusko ha! Napaka-unfair. Lord, paki-reset po ako. Charot!

"Hanggang sa magkasakitan

Na 'di alam ang pinagmulan
Pati maliliit na bagay
Na napag-uusapan
Bigla na lang pinag-aawayan"

Agad na pumasok sa isipan ko n'ong kasalan ekek churvaloo kuno namin. Kulang na lang maglabas kami ng samurai at magpatayan.

"Ngunit kahit na ganito
Madalas na 'di tayo magkasundo
Ikaw lang ang gusto kong makapiling
Sa buong buhay ko

Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo
Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba
Walang iba..."

Habang pinapakinggan ko siya hindi ko maiwasang hindi balikan iyong mga nagdaang araw, buwan at taon na puro kami asaran at bangayan pero kahit gan'on sa kanya pa rin ako pinaka-komportable sa lahat. Sa kabila ng sama ng loob na binibigay niya sa akin, nakikita ko na lang ang sarili kong tumatawa kasabay niya pagkatapos naming mag-asaran.

"May I request for that lovely man over there to come and join me here on stage?"

Inayos ko ang aking sunglasses saka dahan-dahang naglakad papunta sa stage.

"Jusko ha, ako na 'tong nililigawan pero kasali pa sa intermission number. May bayad ba 'to?" Ang maldita kong tanong sa kanya saka inabot ang bitbit niyang isa pang microphone.

"Meron, pero kukunin ko muna 'yong binigay kong credit card sa'yo," ang nakangisi niyang sagot.

"Sabi ko nga mag-concert na tayo."

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon