10

46.6K 2K 297
                                    

Tyga's Dicktionary
Tourist Pempengco- tourist
baluret-bahay
Anitch-ano

Tyga Xerxes Mondejar

"Oh my god, bossing! Excited na akong pumunta ng dagat. Bilhan mo naman ako ng two peice." Ang masaya kong sabi sa amo ko habang nakadungaw sa bintana nitong sosyalez niyang pribadong eroplano.

Agad na nalusaw ang kaninang inis na naramdaman ko kay bossing habang papaalis kami ng baluret niya dahil sa asul na dagat. Ang lawak-lawak ng dagat, ang sarap sigurong itapon ni bossing sa ibaba. Char! Bawal palang magtapon ng basura kung saan-saan. Let us save mother earth.

"Bawal magkalat ng basura doon kaya hindi ka pwedeng lumabas," aniya sa walang ganang boses.

Lumingon ako sa inuupuan niya sa kabilang row at saka siya pinaningkitan ng mata. Kahit ang chaka ng ugali ni sir, wit ko pa ring maitatanggi na isa siyang tunay na gandang otoko.

Kahit isang simpleng t-shirt na pinatungan niya ng mabulaklak na polo at board shorts lang ang kanyang suot angat na angat pa rin ang kanyang kagwepehen. Naka-dekwatro pa siya habang nakaupo, hawak-hawak niya sa kanyang kamay ang isang magazine na sa tingin ko ay porn mag. Bukod kasi sa isa siyang dakilang yawa, isa rin siyang dakilang manyak...

at pokpok,

at pakboy,

at daks.

Sa halip na makipag-warla sa kanya, pinili ko nalang na intindihin ang ugali niya. Naalala ko kasing sa kanya pala itong eroplanong sinasakyan namin. Baka itali niya ako sa pakpak ng eroplano. Sobrang bata pa ng anak ko para mawalan ng ina.

"Psst! Bossing!" Ang mahinang sitsit ko sa kanya.

Natutulog kasi ang aking chikiting ditech sa aking tabi. Bawal magising dahil baka mag-crayola kemberlo keme na naman. Pinagtripan kasi siya ni bossing kanina kaya badtrip siya.

Hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy lamang siya sa pagbuklat ng magazine na para bang isa lang akong hangin. Pero mas lalo lang akong ginanahang kulitin siya.

"Bossinggggg! Hoy!" dinampot ko iyong mga kinulamos kong gamit na tissue saka iyon itinapon sa direksyon niya.

"What?!" Ang nayayamot niyang tanong sa akin nang masapol ko siya sa kanyang ulo.

Hmp! Suplado talaga.

Matamis akong ngumite sa kanya bago nagsalita, "Anitch ang numberit mo, bossing?"

Kumunot lalo ang kanyang noo sa aking tanong. I remember the days na hindi ko pala siya kauri. Hindi nga pala siya kabilang sa kaharian ng Arandelle kaya wiz niyang maintindihan ang basic grahams naman.

"Ano ang number mo po, bossing?" Ang pag-uulit ko.

"Bakit?"

Mas lalong lumaki ang ngise ko sa kanyang tanong. "Bakit? Anong Bakit? Syempre para textmate na tayo. I-GM kita, bossing. Di ba uso 'yon?"

Inilapag niya ang porn mag sa lamesa na nasa kanyang harapan at saka ako hinarap. "Anong GM?"

Napairap ako sa hangin nang marinig ang tanong niya. Seryoso ba siya? "Shunga mo naman, boss! GM. As in GM. 'Yong ano... uhm.. Group message."

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon