Tyga Xerxes Mondejar
Simula noong hinayaan ako ni dad na mapasakamay ng mga sindikato hindi na ako umasa pang may magliligtas sa akin. Kamatayan lang ang kahihinatnan ko sa huli ano mang gawin ko. Tanggap ko naman na ang kapalaran ko.
Pero kagaya ng iba may kakaunting pag-asa pa rin naman dito sa puso ko. Gusto ko lang maranasan ang mundo na hindi kaharap si kamatayan bawat minuto.
Bet ko lang naman maramdaman ng pagiging carefree with wings na baklang kanal.
Hindi ko inaakalang magiging instant nanay at house husband pala ako. Wala man sa plano ko, sobra-sobra naman 'yong saya sa bawat minutong kasama ko sila.
I get to live life more than what I asked for.
Nagkaroon ako ng anak, nagkaroon ako ng asawa, ng mga kaibigan. Sapat na sa akin na magkaroon ng ganoon sa loob ng maikling panahon. Ayokong maging sakim.
Pero si Francis...
Naluluha kong pinanood ang katawan niyang gumalaw hindi kalayuan dito sa pinagtataguan ko. Inihatid niya ako dito bago bumalik sa gitna ng tulay kung nasaan naroon ang mga sindikato. Walang tigil sa pagkabog ang puso ko habang pinapanalangin na hindi siya mapano habang nakikipagpalitan ng bala sa kabilang grupo.
Tila nabuhayan ako ng pag-asa nang makitang sunod-sunod na napapatumba ng grupo ni Francis ang mga tauhan ng sindikato. Tama nga siguro ang sinabi niya.
I shouldn't have underestimated him. He's a Juariz after all.
Mukha man siyang may tupak pero si Francis ang pinakamatalino sa kanilang lahat kahit inuuto siya ng mga kuya niya. Mataas lang talaga ang respeto niya sa mga kapatid niya kaya nagiging sunod-sunuran siya sa mga 'to.
Francis is a jack of all trades. I forgot about that fact. The fact that he knows how the world around him moves makes him almost invincible.
Napatakip ako ng bibig nang biglang kumulimlim. Tumingala ako at napanganga sa nakikita sa kalangitan. There were countless drones flying above us. Kanino ang mga 'yan? Kay Francis o sa sindikato?
Muling dumapo ang paningin ko sa tulay. Nakita ko ang iilang tauhan ng sindikato na nagtataka ring napatingala sa kalangitan. Biglang naglabas ng pulang ilaw ang mga drone at nagsimulang gumalaw. Naka-pokus lang sila Francis habang nawala naman sa ayos ang mga sindikato.
Napaigtad ako nang dumapo ang ilaw sa katawan ng lalaking kabilang sa sindikato. Nawala saglit ang ilaw at nang bumalik ito kaagad na bumulagta sa lupa ang lalaki.
"Tangina," ang mahinang mura ko.
Si Francis ba ang gumawa ng mga bagay na 'yan?
Nakakapanindig balahibong makitang gumalaw ang mga drones sa itaas at walang kahirap-hirap na inisa-isang kitilan ng buhay ang mga tauhan ng sindikato. Sinubukan nilang pagbabarilin ang mga 'to pero nagiging dahilan ito para mawala sa kanila ni Francis ang atensyon kaya malayang nababaril ng mga tauhan ni Francis ang mga lalaki.
Hindi nagtagal naubos ng grupo ni Francis ang mga tauhang ipinadala ng sindikato. Hindi ako makapaniwalang napatakip ng bibig habang pinapanood ang mga walang buhay na katawan sa lupa. Francis' men were barely unscathed.
Nang magtagpo ang mata namang dalawa kaagad na bumuhos ang mga luha sa mata ko. Hindi ko na alam ang tunay na dahilan kung bakit ako umiiyak. Relief? Saya? Nerbyos? Takot?
Malalaki ang mga hakbang ni Francis na tinungo ang pwesto ko. Kaagad niya akong ikinulong sa mga bisig niya nang makalapit siya sa akin. Napakapit ako damit niya at napahagulgol ng iyak.
BINABASA MO ANG
JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]
HumorJuariz Bachelors #5 [BXB] [MPREG] Tyga Xerxes Mondejar, isang miyembro ng malaking sindikato. Sa kabila ng pagiging miyembro ng sindikato hindi kailanman humuhupa ang takot sa kanyang puso. He's a scaredy cat at kilala sa pagiging lampa. As long as...