Chapter 6: Jealous?

92 29 3
                                    

Anicka's POV

Marco:
Hi, Anicka! Salamat nga pala kanina. Alam mo, masaya ako kasi nagkaroon ulit tayo ng chance na magkasama kahit na saglit lang. Sana maulit ulit. Good night and sweet dreams. 💕

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na bang binasa mula pa kahapon itong message sa akin ni Marco noong isang gabi.

Simpleng message lang naman iyon at wala namang masyadong espesyal pero nagbigay iyon ng munting kaligayahan sa puso ko.

Ni sa hinagap ay hindi ko nakitang magiging ganito kagaan ang muli naming pagkikitang dalawa. Hindi gano'n ka-ayos ang paghihiwalay namin at hindi maikakaila na naging masakit ang break up na iyon.

I'm glad na sa muling pagkikita naming ito ay wala kaming itinagong hatred or bitterness toward each other.

Naalala ko pa nang gabing iyon, pakiramdam ko ay isa akong dalaga na inihatid ng kanyang manliligaw. Ang weird pero sobrang hiya talaga ang naramdaman ko no'n lalo na nang alalayan niya ako sa pagsakay at pagbaba sa sasakyan niya.

Halos pagalitan ko tuloy ang sarili ko nang makauwi ako dito sa unit. Naguluhan kasi ako sa naramdaman ko and at the same time ay nagkaroon ako ng hiya sa sarili.

For Pete's sake, may asawa na akong tao!

Natigil lang ako sa pagbabalik-tanaw nang maamoy ko na ang niluluto kong adobo. Pagtingin ko sa kawali ay nakita kong umuusok iyon.

Shuta, masusunog pa ang ulam ko dahil sa kakaisip ko kay Marco!

Nakahinga ako nang maluwag nang makitang hindi naman ito nasunog. Bahagya lang itong natuyuan kaya tuloy wala na siyang sauce.

Naghanda na ako para kumain dahil sa totoo lang ay kumakalam na ang sikmura ko. Labing anim na oras na akong naka fasting kaya naman ramdam na ramdam ko na ang pag-aalburuto ng aking bituka.

Nakaugalian ko na talagang mag cellphone habang kumakain. Ewan ko ba... siguro dala ito ng kainipan ko dahil wala naman akong kasama rito sa bahay.

Nag-i-scroll ako sa Facebook nang madaan sa news feed ko ang post ni Venice. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ang picture niyang kasama si Ethan. Mukhang kagigising lang nila nang kumuha sila ng picture. Pero ang nakakaloka, mukhang kapwa hubad sila at tanging kumot lang ang nakatakip sa kanilang katawan!

"Myghaaad..."

Hindi ko mapigilang hindi mag-alala para kay Venice.

Nagkaka relapse kaya siya? 'Wag naman sana!

Tinignan ko ang date kung kailan na-post iyon and it turns out na kahapon pa pala ito ng umaga. Mukhang na-take home ni Ethan ang kaibigan ko nang gabing na-meet namin sila sa disco bar.

Bakit ngayon ko lang ito nakita?

Sabagay... hindi naman ako nagcheck ng social media accounts ko kahapon. Hindi rin naman kami nagkita dahil wala kaming gig kagabi.

Nag-try akong tawagan siya ngunit mukhang naka-off ang cellphone niya. Baka natutulog ang beshy ko. Gano'n kasi siya dahil ayaw niyang nai-istorbo sa pagtulog.

Kailangan naming mag-usap mamaya. Baka mamaya ay may nararamdaman na naman ang siyang kakaiba sa sarili niya.

Nang makabawi ako sa pagkabigla nang dahil kay Venice ay nagpatuloy lang ako sa pagscroll. Ang sunod ko namang nakita ay ang post kung saan naka-tagged si Marco. Yes, friends na kami sa Facebook mula nag chat siya sa akin.

Picture niya iyon na may kasamang babae. Sweet na sweet na magkaakbay sila sa litrato. Parehas silang maganda ang pagkakangiti. May caption pa iyon na ang nakalagay ay 'Forever starts now'.

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon