Chapter 15: At Ease

91 19 5
                                    

Anicka's POV

Jed:
Baby, kausapin mo naman ako, please?

Kanina ko pa pinag-iisipan kung dapat ko pa nga bang kausapin si Jed. Hindi ako mapakali sa cellphone ko... nariyang kunin ko iyon sa bulsa ko at pagkatapos ay ibabalik ulit.

Ano pa ba kasi ang dapat niyang ipaliwanag? Hindi pa ba sapat na nakita na ng dalawang mata ko ang panloloko niya?

Sa isang banda, mayroong parte ng isip ko ang nagsasabing pakinggan ko siya. At dito sa puso ko, ramdam ko rin namang mahal ko pa rin ang asawa ko. Nanghihinayang pa rin ako sa tagal ng pinagsamahan namin at hindi ko naman gustong basta-basta na lang na magtapos sa ganito ang aming pagsasama.

Pero ginago niya ako... niloko at ginawang tanga.

Napapabuntong hinga na lang tuloy ako. Nakaramdam ako ng panghihina habang umuupo sa buhanginan.

Kanina pa ako palakad lakad rito sa tabing dagat at ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin. Kahit may tama ako ng alak ay hindi ako makatulog dahil sa message ni Jed.

Kung pwede lang sanang anurin palayo ng mga alon ang sakit ng puso na nararamdaman ko...

Tumayo ako at pinagpag ang mga buhangin sa likod ng shorts ko. Muli kong kinuha sa aking bulsa ang cellphone at tinignan kung naka online pa ba si Jed. Hindi na ako nagdalawang isip pa nang pindutin ang call button.

[Baby!] Bakas ang pagkasabik sa kanyang boses nang batiin niya ako.

Hindi muna ako nagsalita. Sa totoo lang, hindi ko pa alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya.

[I miss you so much, baby. Please give me another chance. Please let me show you that I am sorry. Sana'y hayaan mo akong makabawi sa'yo.]

Nagsimulang mag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko. Ramdam ko sa tono ng pagsasalita niya ang labis na pagsisisi.

I know him... masyadong mataas ang pride niya at hindi basta-basta nagpapakumbaba.

"Kung gusto mong isalba ang relasyon natin, umuwi ka na rito sa Pilipinas. Patunayan mong deserving ka sa pagpapatawad ko."

[But baby-]

"Bakit, Jed? Hindi mo kaya?" putol ko sa sinasabi niya. "Hindi mo maiwan ang babae mo?" halos magtagis ang mga ngipin ko habang tinatanong ko sa kanya iyon.

[Baby, hindi sa ganoon. Hindi ako pwedeng basta na lang umuwi. May kontrata ako at hindi ko iyon pwedeng talikuran.]

Nakagat ko ang labi ko upang pigilan ang paghikbi. Mas mahalaga pa rin talaga sa kanya ang career niya kahit na nasisira na ang marriage namin.

"Sabagay... kailan mo ba ako inuna? Kailan mo ba naging priority ang relasyon natin? Kailan mo ba isinaalang-alang ang nararamdaman ko?" punong puno ng hinanakit na saad ko. "Ikaw ang gustong magkalayo tayo... Pagkatapos, kapag nangulila at sinumpong ka ng kakatihan mo, gagaguhin mo ako?!"

[For god's sake, Anicka! Nagta-trabaho ako dito! Lawakan mo naman ang pang-unawa mo!]

Bakit parang siya na ang galit ngayon? Sa pagkakaalam ko, siya dapat ang nagpapakumbaba, 'di ba?

"Ako pa ang maliit ang pang-unawa? Naririnig mo ba ang sarili mo? Ikaw ang nagkasala dito, Jed... Bakit sa tono ng pananalita mo, parang ako pa ang nagkasala sa'yo?! Ikaw ang gumawa ng kalokohan at nambabae, bakit ako ang kailangang mag-adjust?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya na animo ay nagpipigil ng galit.

[C'mon, baby... she's nothing. Don't be so petty. Huwag na nating palakihin ito.]

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon