Chapter 47

43 7 4
                                    

Anicka POV

Araw ng Sabado at maaga akong ginising ni Nanay para sa aming walking exercise sa Burnham Park. Kailangan ko na daw kasing magtagtag dahil 37 weeks na ang tyan ko at pwedeng pwede na akong manganak.

"Oh anak, tara na at maga-alas sais na, baka tanghaliin tayo." Pag aya ni Nanay sa akin na nakasuot ng Zumba outfit. Magzu-Zumba kasi siya mamaya habang maglalakad lakad naman kami ni Tatay.

Tumango naman ako at sumunod na sa kanya palabas. Si Tatay naman ay paniguradong nasa sasakyan na at naghihintay na sa amin.

"Paakyat nga ba dito sa Baguio si Jed, anak?" Tanong ni Tatay nang umaandar na ang aming sasakyan.

"Opo Tay. Eh may pag uusapan daw po kaming dalawa."

"Tungkol saan naman kaya? Baka importante anak kaya sasadya pa siya dito sa atin." Singit naman ni Nanay.

Napakibit balikat naman ako, "Siguro po. Nagtext lang po kasi siya kaninang madaling araw at ang sabi niya ay on the way na po siya."

"Ay ganoon ba? Eh dapat pala'y agahan natin ang pag uwi para makapagluto tayo ng masarap na pananghalian."

Nang makarating kami dito sa parke ay medyo marami nang tao. Ibinaba muna kami ni Tatay sa may entrance kung saan namin siya hihintayin habang dinadala niya ang sasakyan sa parking area.

"Oh hala at kainin mo muna ito." Sabay abot niya sa akin ng brown bag na naglalaman ng mga ube-cheese pandesal na na-bake namin kagabi.

Inabot ko naman iyon at agad na kinain, "Ang sarap Nay."

"Dahan dahan naman anak at baka mabulunan ka eh." Binuksan niya ang aking Hello Kitty tumbler at pinainom ako ng tubig.

Nakita naman naming paparating na si Tatay, "Oh darling sige na pumunta ka na dun.." sabay turo sa grupo ng mga nagzu-Zumba. "Ako na bahala diyan kay Anicka at maglalakad lakad na kami."

Tumayo naman si Nanay at ipinasa ang dala niyang bag kay Tatay, "Eh sige naku at nahuli na ako."

Nang makaalis si Nanay ay nag umpisa na kaming maglakad lakad ni Tatay.

Habang naglalakad ay napatingala ako at dinama ang sinag ng araw na humahaplos sa aking balat. Huminga rin ako ng malalim para samyuhin ang mabangong amoy ng pine trees at mga bulaklak na nakatanim sa paligid ng parke.

"Iba talaga ang klima dito ano?" Pagkuwa'y tanong ni Tatay.

"Kaya nga po Tay.. ibang iba sa Manila na masyado nang polluted ang hangin."

"Sinabi mo pa.. kaya nga magmula noong nabalik ako dito ay bumuti buti na ang kalusugan ko."

"Mabuti naman po kung ganoon Tay."

Mayamaya'y may nakita kaming mag-Lolo na nagpapa araw at nakaupo sa isang bench.

"Siguro anak magiging ganyan din kami ng apo ko paglaki laki niya." Nakangiting sabi ni Tatay.

"Panigurado po iyon, Tay.."

"Teka nga anak, tutal at malapit ka ng manganak.. nakaisip ka na ba ng pangalan ng anak mo?"

Saglit akong nag isip. Sa totoo lang, wala pa akong napipili. Marami akong choices na isinulat ko pa sa notebook. Pero ang gusto ko sanang pangalan ay mula sa pangalan ng tatay niya para kahit doon man lang ay magkaroon sila ng connection.

"W-Wala pa po Tay.."

"Ha? Naku eh paano kung manganak ka na tapos ay wala pang pangalan? Ano naman ang itatawag natin sa apo ko? Alam mo ba noong apat na buwan ka pa lamang sa tyan ng Nanay mo ay nakahanda na ang pangalan mo? Ako ang pumili ng Anicka dahil bukod sa sunod iyon sa pangalan kong Nicanor, ang ibig sabihin noon ay gracious. Ang Reese naman ay Nanay mo ang pumili dahil ang meaning noon ay enthusiasm.. ibig sabihin, sobrang saya namin noong dumating ka sa buhay namin." Mahabang kwento ni Tatay.

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon