Chapter 24

56 10 0
                                    

Marco POV

Paakkk!!

Isang malakas na sampal ang nagpagising sa akin mula sa aking pagkakatulog. Nanlilisik na mga mata ni Alexa ang bumungad sa akin pagkadilat ko ng mga mata ko.

Bigla akong napabalikwas ng bangon habang nakasapo ako sa namamanhid kong pisngi. Hindi pa man ako nakabawi ay may matigas naman na bagay ang tumama sa mukha ko.

Pagkakita ko ay cellphone ko pala iyon na pinukol ni Alexa sa akin. Sumugod pa siya sa akin at pinaghahampas ako sa mukha at sa dibdib.

"Damn you, Marco!" Sigaw niya habang malakas na umiiyak.

Medyo hindi pa malinaw sa utak ko ang inaakto niya dahil naalimpungatan lang ako dahil sa kanya.

Pinilit kong hulihin ang mga kamay niyang panay ang pananakit sa akin, at nang mahuli ko ang mga iyon ay mahigpit ko iyong hinawakan at kinabig ko siya sa mga bisig ko para huminto siya sa kanyang pagwawala.

"Sweetheart, ano bang problema mo?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Wala pa rin siyang tigil sa kanyang pag iyak. Nag aalala na ako dahil baka makasama iyon sa pinagbubuntis niya.

Kumawala siya mula sa pagkakayakap ko at pinulot niya ang cellphone ko na nahulog sa sahig nung pinukol niya ito sa akin kanina.

"Ipaliwanag mo itong panloloko mo sa akin Marco!" Pabalibag niyang ibinigay ito sa akin.

I was caught off-guard. I couldn't hide a thing from her. Nakita na niya ang conversation namin ni Anicka and hindi na ako pwede pang magsinungaling. Pilitin ko mang magsalita ay parang may bikig ang lalamunan ko. Walang ni isang salita ang lumabas doon.

Sinubukan ko siyang hawakan pero pinalis lang niya ang mga kamay ko. Unti unti siyang tumayo at lumayo sa akin. Kitang kita ko sa mga mata niya ang sakit na nakabalatay doon.

"B-Bakit Marco? B-Bakit siya p-pa rin?" May pait sa tinig niya habang sinasabi niya iyon.

"Alexa.."

"L-Lahat ginawa ko para sa'yo! Binigay ko lahat.. Ano pa ang k-kulang? Anong meron siya na wala ako?!"

"A-Alexa.. I'm so sorry." Nagsisimula na ring mabasag ang tinig ko. "

"Sorry? For what? Dahil pinaasa mo lang ako?! You promise to love me, you promised Marco! Pero hanggang ngayon siya pa rin? Nung wala siya sa buhay natin, karibal ko na siya.. Ngayong nagbalik siya sa buhay mo, etsapwera na ako?!"

"Hindi sa ganun, Alexa.. hindi ibig sabihin nun na hindi kita mahal. There's just a part of me that only Anicka can fill. But it doesn't mean that I love you less."

I tried to reach for her in a calm voice. "Tama na Alexa.. makakasama 'yan sa baby natin."

"Don't touch me! Hindi mo kami inisip ng magiging anak mo nang makipagrelasyon ka ulit sa babaeng 'yun! She's a homewrecker! Kalimutan mo na kami ng anak mo kung ipagpapatuloy mo ang pakikipagrelasyon d'yan sa babae mo!

Pagkasabi noon ay tumalikod na siya at isa isang kinuha ang kanyang mga damit sa closet at isinilid iyon sa maleta.

"Alexa please don't do this. Ayusin natin 'to. Hindi ka ba naaawa sa magiging anak natin?" Sinusubukan ko siyang pigilan sa ginagawa niya.

"Maawa? Ikaw ba naawa sa kanya  nang ginawa mo 'yang panloloko mo?! You have the audacity to say that?"

Wala na akong nagawa nang tuluyan na siyang natapos sa pag eempake. Tumayo na siya at mabilis na lumabas ng kwarto.

"Alexa!" Sigaw ko habang hinahabol ko siya. Tumigil naman siya nang malapit na siya sa may front door.

"Tama na, Marco. Ayaw ko na magpakatanga pa sa'yo! Kung talagang mahal mo ang babaeng 'yun, sige magpatuloy lang kayo! Magpakasaya kayong dalawa!"

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon