Chapter 65

55 3 0
                                    

Lakad takbo akong lumayo mula sa lugar na iyon. Nanlalabo ang aking paningin dahil sa mga luhang walang tigil sa pagpatak mula sa aking mga mata.

Sobrang pagkapahiya ang nararamdaman ko. Kay Jed.. kay Phoebe.. at higit sa lahat, sa aking sarili.

Hindi ko dapat hinayaan na humantong kami sa ganoong tagpo ni Jed. Hindi niya deserve na madamay pa sa gulo ng buhay ko ngayon. Ayoko nang masaktan pa siya nang dahil sa akin.

Tama nang ako na lang.. tutal deserve ko 'to. 'Eto ang napala ko nang magmahal ako ng maling tao. Sinaktan, pinaasa at niloko lang ako. Bagay lang ito sa akin. Ito siguro ang karma ko dahil sa hindi ko pagiging tapat kay Jed.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapahagulgol nang maalala ang lalaking iyon. Sobrang sakit. Hindi ko akalain na mararanasan ko 'to sa kanya. I feel pathetic about myself! Ngayon ko lang naramdaman ang ganito sa buong buhay ko.

Damn you, Marco! Bakit mo 'to ginawa sa akin?

Lalo kong binilisan ang paglayo. Hindi ko na magawang tingnan ang dinaraanan ko. Wala akong pakialam kung pagtinginan man ako ng mga tao sa paligid. Tanging sakit ng kalooban lang ang nangingibabaw sa akin ngayon.

Ngunit sa pagkabigla ko, naramdaman kong may nakabangga ako at ako'y napaupo sa kumpol ng mga basurang nakatambak dito sa side walk. Kasabay noon ay ang pagsaboy ng malamig at malagkit na likido sa aking katawan. Basang basa tuloy ang suot kong damit.

"Tangina! Hindi ka ba tumitingin sa dinaraanan mo?!" bulyaw sa akin ng babaeng naka bangga ko. Kita ang gigil sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin. "Natapon tuloy 'yung milk tea ko!"

Hindi ako makapagsalita. Wala akong maapuhap na sabihin habang siya naman ay panay ang mura sa aking harapan. Nanliliit ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin na para bang hinuhusgahan ako mula ulo hanggang paa. Pilit naman siyang hinihila ng lalaking kasama niya at tila nanghihingi ng paumanhin na nakatingin din sa akin. Ngunit hindi niya iyon pinansin at sa halip ay lalo akong dinuro.

"Hoy, Miss! Sa susunod, 'wag mong inaangkin 'yung daanan! Hindi ka reyna na akala mo ang lahat ng tapakan mo ay sa'yo! Lumugar ka lang sa isang tabi para wala kang makabangga!"

"Tama na, ano ba? Milk tea lng 'yan." Saway naman sa kanya ng kasama.

Hindi na kumibo ang babae ngunit bago sila umalis ay tinapunan pa niya ako ng masamang tingin. Initsa pa niya sa akin ang basyo ng milk tea at tumama pa iyon sa aking mukha.

Napayuko ako dahil sa pagkapahiya. Madami na kasing tao sa paligid na akala mo ay nanonood lamang ng pelikula.

Sinubukan kong tumayo ngunit tila walang lakas ang mga tuhod ko at sa halip ay lalo akong napasalampak sa semento. Tanging pag-iyak lang ang nagawa ko habang pinupunasan ng suot kong t-shirt ang nanlalagkit kong mukha. Naghalo halo na kasi doon  ang aking luha, sipon, pawis at dugo mula sa sugat ko.

Napangiwi pa ako nang maramdaman ang hapdi sa aking paa. May mga paltos na pala iyon. Wala akong suot kahit tsinelas man lang. Tapos itong suot kong damit.. ito pa 'yung pinahiram sa akin ni Jed kagabi.

Lalo akong napaiyak dahil sa awa sa sarili ko. I'm such a mess. Ano na ba itong nangyayari sa akin? Bakit hinahayaan ko ang sarili kong maging ganito?

Damang dama ko na ang pagod.. sa pisikal at lalong lalo sa emosyonal. Sana masamang panaginip na lang ang lahat ng ito. Ayoko ng ganito.. sana magising na ako.

Napadako ang tingin ko sa isang aso na parang gutom na gutom na naghahanap ng pagkain sa basurahan. Sa palagay ko ay wala kaming pinag kaiba. Gutom na gutom din kasi ako eh..  gutom ako sa pagmamahal at pagkalinga ni Marco.

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon