Chapter 42

67 13 4
                                    

Tarah POV

"Marco why are we still here?" Tanong ko kay Marco na halos hindi gumagalaw sa kanyang kinauupuan sa aming sasakyan. Mahigit thirty minutes na kaming nandito at nanonood sa nagkakasiyahang grupo sa La Trinidad strawberry farm.

Hindi niya sinagot ang tanong ko at sa halip ay nanatili lamang siyang tahimik na nakatanaw sa nakabukas naming bintana.

Muli akong nagsalita, "Alam mo pamilyar sa aking 'yang babaeng kumakanta sa stage." Sabay turo sa kinaroroonan nito.

Biglang napatingin sa akin si Marco na tahimik pa rin at seryoso ang pagmumukha.

I snapped nang may maalala ako, "Oh my God! Siya nga.. medyo lasing lang kasi ako nun. 'Di ba siya 'yung high school friend mo na nakainuman natin sa Tagaytay?  Yes, I remember her.. singer din pala siya sa banda. Siya 'yun, right?" Nilingon ko si Marco na wala pa ring puknat sa kakanood sa mga nagkakasiyahan.

"Yes." Tipid na sagot nito na hindi man lang tumitingin sa akin.

"Siguro boyfriend niya 'yung kasama niyang bokalista. May dating huh! Kamukha niya 'yung Korean singer na si Rain! Kilala mo ba 'yun?"

Umiling siya, "No I'm not familiar with him." Unti unti na akong naiinis dahil para namang walang ka-latoy latoy 'tong kinakausap ko.

"Teka, sinusundan mo ba 'yang babae na 'yan?" Hindi ko na napigilan ang magtaray. "Ano ngang name niya?"

"She's Jade."

Medyo nabwisit ako dahil napakatipid niyang sumagot. I need to know kung bakit sinusundan ni Marco ang babaeng 'yun.

"May gusto ka ba kay Jade? I can't believe that we're doing this for her!"

With his sad look, he said, "Di ba sabi ko sa'yo magpahinga ka na sa hotel? Mapupuyat ka lang dito. 'Di ba maaga pa ang affair natin sa PMA tomorrow?"

"Exactly! So bakit nandito pa tayo kung manonood lang naman tayo ng gig niyang si Jade? So, why don't we make the most of it? Let's party with them and gate crash!" Mabilis kong binuksan ang pintuan ng sasakyan at bumaba.

Bumaba din naman si Marco at nilapitan ako, "Sorry if I dragged you into this. This is something personal.. may tinitignan lang ako dito."

Napahalukipkip ako, "I understand but you don't have to be rude para pagmukhain akong tanga na salita nang salita habang hindi ka naman sumasagot nang maayos."

Napakunot ang noo niya na para bang hindi niya alam ang pinagpuputok ng butsi ko, "What do you want me to say? I'm sorry, I'm just trying to reconcile my past.."

Nanlaki ang aking mga mata at nagtanong, "E-Ex mo si Jade?"

Napailing iling naman siya bago sumagot, "No.. no.. let's get back inside the car, it's cold out here."

"Sagutin mo muna.. ex mo ba si Jade?"

"Sinagot ko na, sabi ko hindi. So please?" Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan para papasukin ako kaya naman napilitan na akong pumasok coz I'm really anxious to hear his explanation.

Pagkaupo namin ay isinarado na niya ang mga bintana marahil ay dahil bumaba na si Jade sa stage at iniiwasan siguro niyang makita kami.

"It seems that you are stalking her."

"Hindi siya.." Umiwas siya ng tingin sa akin, "Actually all my friends are here pero hindi nila ako sinabihan." Sabi niya na may himig ng pagtatampo.

"If that's the case paano mo nalaman na nandito sila sa strawberry farm?"

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon