Chapter 49

57 5 3
                                    

Marco POV

Finally, nakababa na din ako dito sa Manila pagkatapos ng halos isang buwan na pag stay sa Baguio! Natapos na kasi ang ginawa naming project kay General Villafuerte kaya naman nakapasok na ulit ako dito sa opisina.

Napatingin ako sa personalized clock na nasa aking table, binigay iyon sa akin ni Tarah noong Valentines Day. Larawan namin iyon na kuha noong birthday niya last January kung saan ay nasa Tagaytay kami.

"Alas nuwebe na pala.."

Isi-nave ko muna ang design na ginagawa ko sa AutoCAD bago ako nag shut down ng computer. Lumabas ako ng aking private office. I think I need a cup of coffee.

Pagpasok ko sa pantry ay naabutan kong nandoon si Ethan at nagka-kape. Siguro ito na ang right time para lumapit ako sa kanya at makipag ayos.

Nang makapag timpla ako ng kape ay tumabi ako sa kanya. Mukha naman siyang nagulat at ngumiti kaya naman nakahinga ako ng maluwag at hindi na nag hesitate na batiin siya.

"Pre, kamusta? Ano balita sa tropa?"

"Eh ikaw lang you've been missing out!" Kababakasan pa rin ng pagtatampo ang boses niya.

"Alam mo naman hapit na hapit ang schedule ko sa mga projects natin. Buti nga ngayon nakahinga na ako dahil tapos na ang semester. Ang hirap pala pagsabayin ng pagtuturo at pagiging arkitekto."

He smirked, "Oo ganun talaga. Ako nga hindi ko rin mapag sabay ang pangchi-chicks at pagta-trabaho.. kaya pinili ko na lang mang chicks!" Napailing iling na lang ako. Napaka maloko pa rin talaga ng isang ito.

"Eh sina Vanna, Jade at Joyce, kamusta sila? Galit ba sa akin? Ikaw, galit ka ba?"

"Kami pa ba, magagalit sa'yo? Wala na 'yun pre!" Tinapik pa niya ako sa may balikat. "Ayos naman sila. Si Jade ayun may ka-steady na, sina Vanna at Joyce naman ganoon pa din, makukulit! Minsan sumama ka sa amin."

Napangiti naman ako. Oras naman siguro para samahan ko ang aking mga kaibigan. "Saan ba kayo madalas ngayon?"

"As usual.. bar hopping lang!"

"How about tonight?" Pag aaya ko tutal ay hindi naman ako busy ngayon at weekend naman.

Napakibit balikat naman siya, "Ewan ko lang kasi biglaan, hindi natin nasabihan ang mga girls."

"Eh di tayo lang muna."

Tumingin siya sa akin at pinanliitan ako ng mga mata, "Hmm.. na-miss mo ako, ano?" Hindi ko man lang napaghandaan ang pagpisil niya sa ilong ko kaya naman malakas ko iyong tinapik.

"Ano ba? Ang baho ng kamay mo! Saan mo ba hinawak 'yan?"

Napa poker face naman siya, "Eto naman parang hindi ka naman umiihi eh!"

Biglang nanlaki ang mga mata ko, "Ano?! Wala ka pa ring pagbabago! Nakakadiri ka!" Saka dinukot ko sa aking bulsa ang panyo ko at pinahid pahid iyon sa aking ilong.

Tatawa tawa naman siyang tumayo dala ang kanyang pinagkapehan, "Oh sige, sige na. Alas sais sa parking lot huh!"

----

Alas siyete ng gabi nang makarating kami dito sa The Sky Bar. Nasa rooftop siya ng isang hotel dito sa BGC. Masasabi kong magaling na architect ang gumawa nito dahil napakaganda ng design at hindi biro ang mga presyo ng materyales na ginamit. Modern na modern at puro salamin mula dingding hanggang bubong at napaka ganda ng ambiance.

Naputol ang pag iinspeksyon ko sa lugar nang biglang magsalita si Ethan, "Gusto kong makita mo itong bar na 'to. Masasarap ang pulutan dito at magaganda ang mga waitress. Tara doon tayo sa malapit sa stage kasi paborito ko 'yung tumutugtog ngayon." Sabay turo sa isang bakanteng mesa.

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon