Chapter 30

61 11 0
                                    

Anicka POV

I'm on my way to Jade's condo. She invited me and our friends for a little get together. Maghahanda daw siya ng masarap na lunch para sa aming mga amiga niya. I guess I'll just buy a cake na lang for our dessert.

Ayoko nga sanang umalis today dahil tinatamad ako. I don't know why I've been feeling that way lately. Palagi rin akong nahihilo at inaantok.

Katulad ngayon, ganoon nanaman ang nararamdaman ko. Kung alam ko lang, sana nagpahatid na lang ako kay Jed para hindi na ako ang mag drive. Nakadagdag pa na nakakahilo 'yung car freshener na hindi ko kasundo ang amoy. Para akong masusuka.

So I reached for my candy jar on the glove compartment. I believe this will help as an immediate relief.

A broad smile flashed on my face as I saw my favorite bakeshop. I was craving for Ube Moose Cake since yesterday, I can't wait to have a bite of this delicious dessert!

Pinarada ko na ang aking sasakyan sa harap ng bakeshop. Kinuha ko ang payong na nasa back seat dahil napakainit sa labas.

Agad akong pumasok sa loob at namilog ang aking mga mata nang makita ko sa estante ang nasabing cake.

"Good morning Ma'am! What would you like to order?" nakangiting tanong sa akin ng cashier .

"I'd like to have Ube Moose Cake and Yema Caramel Cake."

"I'm sorry Ma'am but the Yema Caramel Cake is no longer available. But would you like to try our new Mocha Caramel Cake?" She suggested.

Napangiwi ako sa suggestion niya. "No, I don't like Mocha, but give me Brazo de Mercedes instead."

"Okay, Ma'am."

Binayaran ko na ang mga inorder ko at umupo muna ako sa waiting area.

Nang makuha ko ang mga cakes ay lumabas na agad ako at sumakay na ulit sa kotse.

Mabuti na lang at walang traffic kung kaya't nakarating din ako agad sa unit ni Jade.

"Annyeonghaseyo!" Bungad ni Jade pagkabukas ng pintuan.

Nag beso naman ako sa kanya. Kinuha niya ang mga cake na dala ko at sabay na kaming pumasok sa loob. Nabungaran ko sa sala sila Vanna at Joyce na nanonood ng TV. Lumapit ako sa kanila at nakipag beso din.

"Anongsayo?!"

Napairap ako nang tumama ang paningin ko kay Ethan na kakalabas lang mula sa CR.

"Ano ginagawa ng tukmol na 'to dito?" sabi ko sabay turo kay Ethan.

Nagtawanan naman sila habang ako ay nakabusangot pa rin. Ewan ko ba kung bakit bigla akong nabwiset sa pagmumukha ni Ethan.

"Hoy grabe ka sa akin! Parang hindi mo din ako kaibigan ah." may himig pagtatampo naman na sabi niya sa akin.

"Magkaibigan nga tayo pero 'di ko trip itsura mo ngayon." Tumalikod ako at nagpunta sa kitchen. Iinom ako ng tubig dahil nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa init sa labas.

"Hayaan mo na 'yan si amiga baka naglilihi." Nang iinis naman na sabat ni Vanna. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya like duh! Imposible 'yun.

"Ethan kamusta na nga pala si Marco?" Tanong ni Jade habang hinahanda namin ang mga pagkain sa lamesa.

Mabilis na napabaling kay Ethan ang paningin ko. More than one month ko na siyang hindi nakita at pinilit kong 'wag makaalam ng anumang tungkol sa kanya.

"Totoo ba Ethan? What happened ba?" Tanong din ni Vanna. Napatingin din ako sa kanya.

"I was really sad when I heard the news.." iiling iling naman na sabat ni Joyce.

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon