Chapter 54

52 5 6
                                    

Marco POV

Halos tatlong oras lang ang itinulog ko pero pakiramdam ko ay punong puno ako ng energy nang ako ay magising. Ganito ba talaga ang epekto kapag masaya ang puso? Pakiramdam ko ay muling nagkaroon ng kulay ang buhay ko ngayong nasa akin na ulit si Anicka. This time I'm not gonna let her slip away.

Nandito kami ngayon ni Ethan sa lamesa sa tabi ng pool at nagkakape. Kanina pa niya ako kinukulit tungkol sa amin ni Anicka.

Humihigop ako ng kape nang kalabitin na naman niya ako.

"Pre, ano? Naka score ka ba kagabi?" Itinataas baba pa niya ang kanyang kilay habang malapad ang pagkakangiti.

"Wala." Maikling sagot ko naman sa kanya.

"Wala? Eh daig n'yo pa ang pinagdikit ng rugby ang mga kamay kagabi tapos sasabihin mo, wala?" Napaismid pa siya na parang hindi naniniwala.

"I mean, walang mintis.. napasagot ko na siya at mahal pa daw niya ako."

"Hindi nga?" Nanlaki naman ang mga mata niya.

"Oh ngayon hindi ka naman naniniwala!" Napapailing ako na nangingiti.

"Oh eh ano daw status n'yo?"

"Ano pa? Eh di mayroon na kaming intindihan.. kami na ulit." Lalong lumuwag ang pagkakangiti ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kami na ulit ni Anicka.

"Yowwnn pare! Kaya naman pala blooming na blooming ka! Oh eh anong plano?" Excited pa niyang sabi. Hinila pa niya papalapit sa tabi ko ang kanyang kinauupuan.

"Hindi pa namin napag usapan yan pero sabi ko, I'm willing to marry her."

"Ano?! At ano naman ang sinagot niya?"

"Eh sa amin na lang yun! Ikaw naman masyado kang chismoso." Sabay ngisi ko. Gusto kong matawa sa itsura niya dahil daig pa niya si Boy Abunda kung maka -interview sa akin.

"I-kwento mo na dali! Binibitin mo naman ako eh." Ang kulit talaga ng isang ito eh.

"Wag ka nga maingay! Oh ayan na sila." Saway ko na sa kanya nang makita kong parating sina Vanna at Joyce na may hawak na tigi-isang tray.

"Good morning guys! Kainan na!" Si Vanna ang unang lumapit. Ipinatong niya ang hawak na tray sa ibabaw ng lamesa. "Tikman n'yo ang bibingka ko.. manamis namis at cheesy pa."

"Naku ang ganda ng gayak ng bibingka mo, may hiwa pa sa gitna." Sabay amoy ni Ethan sa bibingka. Gusto kong tumawa dahil parang may pagka malisyoso ang pagkaka larawan niya sa pagkain.

"Ay naku mas masarap itong mga puto ko. Malulusog at bilog na bilog!" Si Joyce naman. Inilapag din niya sa lamesa ang tray na hawak niya.

"Aba oo nga at meron pang itlog na maalat sa tuktok." Dinilaan pa ni Ethan ang kanyang labi matapos magsalita.

"Walang sinabi 'yan sa suman ko.. mahahaba, matataba at mayroon pang gata!" Si Anicka na papalapit na din at may hawak ding tray.

"Ahh d'yan kami sa suman para matatag ang paninindigan.. parang si pareng Marco!" Sabay turo ni Ethan sa akin.

"Totoo ba 'yan?" Tanong naman ni Anicka na tumingin sa akin nang nakangiti ng pagkatamis tamis.

Agad akong tumayo at lumapit kay Anicka. Hinalikan ko siya sa labi na siyang ikinatili ng mga kasama namin. Kinuha ko mula sa mga kamay niya ang tray ng suman at sabay kaming lumapit sa lamesa. Pinaupo ko siya sa upuan na katabi ng sa akin.

Nagsigawan ang lahat, "Ayiee! Mabuhay ang bagong kasal!"

"Hoy, hoy, hoy! Kami ang bagong kasal." Si Jade na kaakbay si Caleb na mukhang kakagising lang. "May susunod na ba sa amin?"

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon