Chapter 25

86 10 6
                                    

Anicka POV

"Amiga, hindi pa ba siya nagpaparamdam sa'yo?" May pag aatubiling tanong sa akin ni Jade.

Dinalaw niya ako ngayon dito sa unit ko. Mula kasi nung malaman ni Alexa ang tungkol sa affair namin ni Marco, hindi na ako naglalabas. Hindi na din ako nakapasok sa work. Hindi kasi ako makapag focus at marami akong iniisip.

Malungkot akong napailing. I bit my lip to stop myself from sobbing. I feel so down. I can't help but to get hurt when I think maybe Marco is avoiding me because of what happened.

It's been one week mula noong huli kaming magkita ni Marco. No calls, no texts, no chats. Wala akong update sa kanya. Nakikibalita naman ako kay Ethan pero wala din daw siyang alam dahil naka leave daw si Marco at hindi pa din sila nagkakausap pa. Ang alam lang daw niya ay nakikipag ayos ito kay Alexa.

Last night, I was even surprised when I found out that I was blocked from all his social media accounts. At ang mas masakit pa, pati ang cellphone number niya ay hindi ko na rin ma-contact.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Magagalit ba ako sa kanya? Maghihinanakit ba ako? Alam ko namang nagkamali kami eh, but I think I deserve an explanation from him kung bakit niya ako ina-avoid.

"Sana amiga kung ayaw na niya, sana kinausap niya man lang ako. We need a closure. Hindi 'yung parang iniwan na lang niya ako sa ere." I could feel the bitterness in my voice as I said that. Hindi ko na napigilan ang mga luhang pumatak mula sa mga mata ko.

"Amiga.." napaiyak na din si Jade. Niyakap niya ako. "Sshhh.. amiga kaya mo 'yan, andito lang ako.. kami ng mga kaibigan natin. Hindi ka nag iisa, we're here for you."

I cried even more because of what she said. I'm so thankful na may mga kaibigan akong katulad nila na handang dumamay sa akin.

Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin at pinahiran ang mga luha ko.

"Hey amiga, cheer up! Iinom lang natin 'yan! Gusto mo lumabas tayo ngayon at magpa salon? My treat!" Alam ko pinapasaya lang niya ako para makalimutan ko kahit sandali si Marco.

"Thank you amiga. Salamat kasi kahit nung nalaman mo ang sitwasyon namin, hindi mo ko hinusgahan." Umiiyak pa ring sabi ko.

"Ano tingin mo sa'kin? Judger?" Nakairap nang sabi niya. "Gaga ka tama na nga 'yan, papangit ka n'yan eh! Hayaan mo na muna 'yang si Marco. C'mon, mag ayos ka na at magpapa appointment na ako sa salon."

Tumalima naman ako at nagtungo na ako sa kwarto ko para mag ayos ng sarili.

-----

"Good afternoon mga Madam! Anong pagpapaganda ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Malaki ang pagkakangiti ng baklang sumalubong sa amin pagkabukas ng pintuan ng salon.

Tinanguan ko naman siya at tipid akong ngumiti.

"Basha, gawin mo nga lahat ng pagpapaganda diyan sa amiga ko para hindi na maging sawi sa pag-ibig!" Utos ni Jade sa bakla. Kilala na siya dito dahil regular customer na siya sa malaking salon na ito.

Agad namang nanlaki ang mga mata nito at nailagay pa ang dalawang palad sa magkabilang pisngi. "Ohh! Kahit mukhang dyosa pala, nasasawi din! Pa'no pa kaya ang isang baklang butanding na katulad ko?" May pagka OA na sabi nito at tinawanan naman iyon ng malakas ni Jade.

Gusto ko ding tumawa dahil sa sinabi niya. Isa kasi siyang malaking bakla kaya siguro niya nasabi iyon. Napailing iling na lang ako.

"Sige Madam upo ka na dito." Iginiya niya ako sa isang bakanteng upuan. "Iibahin natin kulay ng hair mo ha. Babagay sa'yo ang light ash brown then lalagyan natin ng high lights." Pumipilantik pa ang mga daliri niya habang sinusuklay ang buhok ko.

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon