Chapter 55

60 4 8
                                    

Anicka POV

Isang linggo na ang nakakalipas ngunit hindi pa din kami nakakapag usap ni Marco. Handa na sana akong pakinggan ang side niya pero bakit kaya hindi pa rin siya nakikipag communicate sa akin? Ayoko namang ako ang unang mag reach out sa kanya.. aba siya itong may kasalanan!

Kung hindi pa ako na-inform ni Ethan ay hindi ko pa malalaman na nasa out of town pala siya at may inaasikasong project. At talagang hindi siya nagpaalam sa akin, huh? Sabagay.. baka doon siya nagpaalam sa babae niya. Magsama silang dalawa!

"Oh anak, huwag mo namang  panggigilan 'yang sticker. Tignan mo at lukot lukot na 'yang hawak mo." Napangiwi ako nang makitang halos magka gutay gutay na ang sticker sa kamay ko.

Nandito kami ngayon ni Nanay sa sala at nagdidikit ng mga labels sa mga garapon ng strawberry jams. Nagkaayos na kaming dalawa dahil sa tulong ni Tatay. Nag-usap kami ng masinsinan kaya naman naintindihan na niya ang side ko.

"Ay sorry po Nay. Magpi-print na lang po ulit ako ng bago." Tumayo ako at tutungo na sana sa computer nang mag ring ang aking cellphone. Kinuha ko iyon sa center table at nagtungo sa pintuan para sagutin iyon.

[Hello Beshy! I'm here na ulit. Good news, dala ko na si Yves! Dito na kami for good.] Masayang bungad ni Venice sa akin. Umuwi kasi siya sa San Francisco last week para sunduin ang kanyang anak.

"Oh it's nice to hear that beshy! Oh Kamusta naman si Jacob?"

[Ay naku, iyon naiwan kasi maraming inaasikaso. Kaya nga kailangan ko sana ng tulong mo beshy. Sa akin na kasi niya inasa ang pakikipag usap sa contractor tutal ako din naman daw ang masusunod sa design. Alam mo, you should see 'yung nakuha naming pwesto. Dati siyang Starbucks.. eh nag give up na ata 'yung nag franchise so binili na namin yung pwesto. Mahirap kasi ang nag rerent eh.]

"Wow, eh 'di maganda."

[Pero mga one year na din iyong naka stand by kaya kailangan na ring mag re-wire. Bale total renovations ng electrical at saka 'yung iba pang structural na gusto ko para sa isang modern cafe. Tulungan mo naman ako, I need your input.] Na-excite naman ako. Mukhang magagamit ko na ang pinag aralan ko dito sa business nina Venice. Sumusulpot na tuloy ang mga design ideas sa utak ko.

"Oo naman. Yun lang ba? Kailan mo ba gustong bisitahin natin?"

"This weekend sana.."

"Saan nga pala located yan?" Tanong ko.

[Sa Timog lang. Sa may Tomas Morato.]

"Ahh you mean malapit sa Veronica Towers?"

[Oo, naalala mo 'yung kahilera nung spa na pinupuntahan natin? Dati daw Starbucks 'yun eh.]

"Ahh yeah.. alam ko two years nang sarado 'yun. Buti naman nabili n'yo ni Jacob yun? Ang yaman ng partner mo huh! Mukhang seryosohan na yan." Nanunuksong sabi ko sa kanya.

[Naku hindi beshy! Jacob and I agreed na siya lang ang magpi-finance nito sa umpisa at ibabalik ko rin ang investment niya.] Depensa naman niya.

"Pumayag ba?"

[Ayaw nga eh. Advance wedding gift daw niya sa akin 'to. Pero kinantahan ko lang siya ng So Slow. Masyado kasing nagmamadali. Alam mo 'yun?]

"Eh bakit? Hindi mo ba siya bet?" Hindi ko napigilang matawa.

[Well, mabait naman siya and financially stable.. I'm still trying to find the spark. At saka alam mo naman ang mga tipo ko.. 'yung mala Lee Min Ho.]

"O sige, sige na nga.. d'yan na tayo magkwentuhan. Luluwas ako sa Friday."

[Alam mo marami akong pasalubong para sa'yo at sa inaanak kong si Rhycka. Ay naku excited na ako talaga!] Sa totoo lang excited din ako dahil makikita ko na si Yves.

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon