Chapter 40

68 14 5
                                    

Marco POV

It's Monday again, maaga akong papasok sa office dahil gustong gusto ko nang tapusin ang design ng music lounge ni Mr. Uehara.

Bago pa man ako sumakay, napansin kong medyo madumi na ang aking sasakyan at kailangan nang ipa-carwash. Hindi ko na ito naasikaso dahil sa pagka-busy ko nitong mga nagdaang araw. Magpapa carwash na lang ako mamaya afterwork.

Sumakay na ako sa loob. Ngunit pagtingin ko sa rear view mirror ay napailing ako nang  mapansin ko naman ang aking buhok na medyo mahaba na. Siguro dadaan na lang din ako mamaya sa paborito kong barber shop para magpagupit. Hindi pwedeng ganito, napapabayaan ko na ata ang sarili ko.

Nag uumpisa na akong magmaneho nang buksan ko ang car stereo at saktong tumugtog ang I'll Be Over You by Toto.

"Some people live their dreams
Some people close their eyes
Some people's destiny
Passes by

There are no guarantees
There are no alibis
That's how our love must be
Don't ask why

It takes some time
God knows how long
I know that I can forget you

As soon as my heart stops breakin'
Anticipating
As soon as forever is through
I'll be over you

Hindi ko mapigilang mag isip habang ninanamnam ko ang mensahe ng kanta..

Hindi lang siya ang babae at hindi pa katapusan ng mundo. Inaalat lang siguro ako dahil sa mga dati kong pagkakamali. Maybe I should give myself another chance.. My friends probably think that I'm a basket case. I just don't understand my situation. I'm a judge to myself, I don't care what they think or what they say.

Naramdaman kong medyo kumakalam ang aking sikmura kaya naman tumigil muna ako sa isang coffee shop na aking nadaanan.

I got clubhouse sandwich and capuccino for breakfast. Unang higop ko pa lamang ng kape ay napansin kong panay ang tunog ng aking cellphone. Tinignan ko iyon at nakita kong maraming messages na galing sa group chat namin nila Ethan. Napakaaga naman atang magchismisan ng mga ito? Nagsimula akong magback read..

Vanna: OMG guys! I already started packing my things para sa ating long weekend getaway.

Joyce: Excited lang? Monday pa lang ngayon, oh!

Ethan: Nasabihan na kaya ni Jade lahat?

Jade: Just woke up. @Ethan Tayo lang naman nakasulat sa invitation eh. 'Wag ka nang magsama ng iba. Alam mo naman si Anicka may pagka old-fashioned 'yun.

Vanna: Excited na akong mamitas ng strawberries sa La Trinidad! Matagal na akong hindi nakakakain nun eh.

Joyce: Sus! Dami nun sa groceries. Umiral nanaman 'yang pagkakuripot mo.

Ethan: Oy guys! Ayoko ng maraming karga sa sasakyan huh.. baka mamili pa kayo ng maraming gulay.

Joyce: Hmp! Arte mo.. pag yung iba mong mga chicks pwede.. 'Yang si Vanna ang sabihan mo mukhang tatlong maleta ang dala nyan!

Ethan: Okay lang.. basta sagot niya ang gas hehehe! Pa'no nga pala si Marco? Pwede ko bang isama?

Jade: Ilang beses ka bang inire ng nanay mo? 'Di ba sabi ko sa'yo tayo lang ang imbitado? Birthday ng tatay ni Anicka 'yun at alam mo namang may kumplikasyon between them. Isa pa, I'm singing with Jed at the party. Gusto mo bang magkagulo?

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon