Chapter 35

62 13 3
                                    

Today is my last day here in Manila so I decided to spend it with my friends. Matagal tagal na din kasi magmula noong huli kaming nagka bonding na apat. Tiyak na mami-miss ko sila kapag nasa Baguio na ako.

Kasalukuyan kaming nasa balkonahe ng unit ni Jade. Kaming dalawa pa lamang ang nandito.. wala pa sina Joyce at Vanna kaya naman nagkaroon kami ng pagkakataong mag-usap ng sarilinan.

"Amiga.. kelangan mo ba talagang lumayo kahit nag offer naman si Jed na aakuin niya ang bata?" nananantiyang tanong ni Jade sa akin.

Napabuntong hininga ako. Nahagip ng mga mata ko ang isang pamilya na naliligo sa swimming pool sa ibaba. Makikita sa mukha ng bata na masayang masaya ito habang karga siya ng kanyang ama habang ang ina naman nito ay walang tigil sa pagkuha ng mga litrato sa kanila. Napakasaya sanang magkaroon ng buong pamilya ngunit alam ko na hindi ko iyon maibibigay sa anak ko sa ngayon.

Ibinaling ko ang aking paningin kay Jade. "I have to amiga.. kailangan kong lumayo para makapag move on. I want to have a fresh start.. with my child." Napahawak ako sa tyan ko at maingat na hinimas iyon. "Tungkol naman sa offer ni Jed.. tumanggi ako kasi ayokong maging pabigat kami sa kanya ng magiging anak ko."

Nakakaunawa naman siyang tumango tango.

"Naiintindihan kita amiga. Alam kong ayaw mo lang maging unfair kay Jed and at the same time, ayaw mong mag take advantage sa kanya. Pero matagal din ang pinagsamahan ninyo, hindi ka ba nanghihinayang?"

Pilit akong ngumiti, "Nanghihinayang din syempre pero marami na kasing nangyari amiga.. nagkasakitan na kaming dalawa. Patuloy lang kaming magkakasakitan kung hindi pa kami maghihiwalay. Gusto ko pang i-save ang natitirang pagmamahal at respetong mayroon kami para sa isa't isa."

Hinawakan niya ang mga kamay ko at pinisil pisil iyon. Nakita ko sa mga mata niya ang simpatya para sa akin.

"Eh si Marco, may balak ka bang ipaalam sa kanya ang tungkol sa pinagbubuntis mo?"

Sa pagkakataong ito ay halos maubos ko ang hangin na nasa paligid ko. Saglit na naghari ang katahimikan sa aming dalawa.

"Hey, earth to you Anicka! Hindi ka na nakapagsalita d'yan." Napapitlag ako nang tapikin niya ako sa aking braso.

"Huh?"

"Ano nga? Are you going to tell him about his child?"

Marahan akong napailing. "No, hindi pa niya dapat malaman..sa ngayon."

"Why? Isn't it unfair to him?" bakas sa mukha niya ang pagka disgusto sa aking sinabi.

"Pero amiga, kilala ko si Marco. Oras na malaman niya na anak niya itong dinadala ko, for sure mangungulit iyon. Respeto ko na lang din kay Jed dahil mag asawa pa din kami. Baka mamaya magsabong pa silang dalawa.. ayoko namang mangyari 'yun." pangangatwiran ko sa kanya.

Napailing iling na lamang siya, "But don't you think he has the right to know? After all, siya naman talaga ang ama ng bata."

"Sa tamang panahon amiga.. pero sa ngayon sana sa atin atin na lang muna 'to." Matiim ko siyang tinignan, umaasang sana ay maintindihan niya ako.

Napabuntong hininga siya. "Well, buhay mo naman 'yan at hindi kita pwedeng pangunahan. Basta anuman ang maging desiyon mo, 'wag mong kakalimutang nandito lang ako. Don't worry, I promise to zip my mouth. I've got your back amiga!" Nakangiti na siya at tinapik tapik ako sa balikat.

"Thank you.. oh s'ya tara na baka magkaiyakan pa tayo dito." Bahagya akong napatawa at inaya ko na siyang pumasok sa loob.

Nang makarating kami sa loob ay sakto namang tumunog ang door bell.

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon