Chapter 1: Unexpected Message

501 56 20
                                    

"My ghaad! Alas singko na pala!"

Napabalikwas ako ng bangon nang makita mula sa glass window ng aking kwarto ang nagsisimulang pagliwanag ng paligid sa labas.

Hindi man lang ako nagising sa tunog ng alarm clock na isinet ko pa kanina bago ako nagpasyang umidlip muna. Alas tres ng madaling araw na kasi ako nakauwi dahil nag-overtime kami sa set namin dahil dagsa ang tao kanina sa bar. Ganoon talaga kapag Friday. Grabe pa ang pagod ko dahil solo singer lang ako. Wala ang ka-tandem kong singer, si Venice na bestfriend ko kaya lahat ng songs na pambabae ay ako ang tumira. Idagdag pa ang pagka-tipsy ko dahil sa mga nainom kong ladies' drinks na bigay ng mga guests.

Pupungas-pungas na hinagilap ko sa ilalim ng kama ang pares ng aking Hello Kitty slippers. Napangiti ako sa sarili ko nang maalala ko kung pa'no ko pinilit si Jed na pumunta sa Sanrio World sa Tokyo para ibili ako ng mga Hello Kitty stuffs doon. At syempre, hindi siya nakatanggi dahil sa mahal naman daw nya ako at gusto nyang ako ay sumaya kahit sa maliliit na bagay. Kaya nitong nag-third year anniversary kami ay sinorpresa nya ako ng isang balik-bayan box na punong puno ng Hello Kitty stuffs na ikinaiyak ko sa sobrang tuwa!

Hinubad ko ang suot kong sexy dress na hindi ko na nagawang hubarin kanina. Pinalitan ko ito ng ternong red silk sleepwear.

Habang nagtatanggal ng make up na hindi ko rin nagawang alisin kanina ay sinubukan ko nang tawagan si Jed, ang aking asawa. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang naka online pa siya tanda na siya ay gising pa. Panigurado ay kanina pa naghihintay ang isang iyon. May usapan kasi kami na after work ay palagi kaming magvi-video call para kumustahin ang araw ng bawat isa. Nasa Japan nga pala siya. Dati kaming magkasama roon pero nauna akong umuwi ng Pilipinas habang siya naman ay nag extend ng kontrata.

Hindi naman nagtagal ay sinagot na niya ang tawag ko. Napangiti ako nang rumehistro sa screen ng aking cellphone ang makisig kong asawa. Nakapatagilid siyang nakahiga sa kanyang pang-isahang kama habang nakatukod ang kanyang kamay sa kanyang ulo. Mistula siyang modelo ng isang sikat na brand ng mga underwears dahil boxer shorts lang ang tanging suot niya. Kitang kita ko tuloy ang kanyang well-built body.

Sana pala ay nagtimpla ako ng kape para may ka-partner ang mga pandesal niyang nakahain sa harapan ko ngayon.

Nakagat ko ang aking pang ibabang labi upang pigilin ang mapangiti. Nakakaisip na naman kasi ako ng kapilyahan.

Pinanliitan naman niya ako ng mga mata tanda na alam niya ang tumatakbo sa isipan ko. "Naughty girl." Naiiling na wika niya.

Mula sa pagkakaupo sa harap ng vanity mirror ay nagtungo ako sa kama at humiga. Ginawa ko iyon habang mapang akit na nakatingin sa kanya.

"You know what, honey? I need your body next to me right now... get here soon, please?" ani ko sa mahina ngunit malanding tono.

Pinigilan ko ang mapangiti nang mapansin ang paglunok niya kaya naman lalo ko siyang tinukso.

"My legs are missing you in between them, hon..."

"Huwag mo akong hinahamon, baby... baka bigla akong sumulpot d'yan!"

"Then get here if you can." Hamon ko pa sa kanya.

"Kung gano'n lang sana kadali... kaso alam mo naman na naka kontrata ako rito. Hindi basta-basta makakauwi." aniya sa himig na nalulungkot.

"Sobrang miss na kita... alam mo ba 'yon?" I pouted.

"Ako rin naman eh. Pero 'di ba, ginagawa ko naman 'to para sa future natin? Hayaan mo, pag-uwi ko ay  babawi ako sa'yo. Pag-ihi lang ang pahinga mo!" Binuntutan pa niya iyon ng pagngisi na may kasamang pagtaas at pagbaba ng kilay.

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon