Chapter 62

66 3 0
                                    

Anicka POV

Isang babaeng walang ayos.. magulo ang pagkakatali ng buhok na parang hindi sinuklay, nakasuot ng malaking t-shirt na kupas ang nakikita ko ngayon dito sa harap ng salamin.

Malalaki din ang mga eyebags niya, halatang hindi siya masyadong nakakatulog. Bukod pa doon, namamaga din ang kanyang mga mata tanda ng palaging pag-iyak.

Kapansin pansin ang pagkahulog ng kanyang katawan. Hindi siguro siya nakakakain ng maayos.

Namumutla ang kanyang kulay na dating maputi at mamula mula. Mukhang hindi na siya nasisikatan ng araw dahil sa pagmumukmok sa loob ng apat na sulok ng kanyang kwarto.

Ano na bang nangyari sa babaeng ito? Bakit mukhang napapabayaan na niya ang sarili niya?

"A-Ako ba talaga ito?"

Halos hindi ko na makilala ang aking sarili. Larawan ng isang babaeng sawi at talunan ang nakikita ko sa salamin ngayon.

"How miserable I have become.. this is not the girl I want to be.."

Agad nag-init ang sulok ng aking mga mata. Pinigil ko ang mapahagulgol dahil baka magising si Rhycka na kasalukuyang natutulog na. Ayaw ko ring marinig nina Nanay at Tatay ang pag-iyak ko.

Binabalot ako ng matinding insecurity at pagka-awa sa aking sarili. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong uri ng lungkot sa buong buhay ko.

I feel so unattractive, so unlove and taken for granted. Marco set me aside na parang lumang sapatos na iniwan at isinantabi na lang nang makakita ng bago.

Sabagay, ano nga bang laban ko kay Tarah? Bukod sa maganda siya, mas bata at maalindog siya. Hindi katulad ko, bukod sa nanay na ay segunda mano pa. Siguro napag isip isip ni Marco na bakit nga ba siya magtitiis sa isang katulad ko kung pwede naman siyang magkaroon ng 'brand new'.

Isama mo pa na mas may pera si Tarah kaysa sa akin. Kayang kaya niyang bilhin si Marco, hindi tulad ko na pagmamahal lang ang kayang ibigay.

'Yun ba ang dahilan kung bakit kulang ang timbang ko sa puso niya? Ganoon ba siya kababaw? Sinira niya ang tiwala ko. Sinayang lang niya ang pagmamahal na inialay ko sa kanya..'yung klase ng pagmamahal na hindi ko naiukol kay Jed. Tapos ito ang isusukli niya? Ang pagtaksilan ako at ipagpalit ako sa iba?

Ang mga pangarap na binuo namin at iningatan sa isang iglap ay naglaho na lang na parang bula. Ang ipinagtataka ko ay ang mabilis niyang pagsuko. Para siyang inapuyan at agad na umalis, iniwanan akong luhaan. At ngayon, ano? Narito ako na umaasa pa rin na magbabago ang lahat. Sa kabila ng ginawa niya sa akin ay heto ako at mahal na mahal pa rin siya.

Hindi pwede 'to.. kailangang may gawin ako. Kailangan ko siyang kausapin. Kailangan ko ng paliwanag mula sa kanya. Hindi pwedeng iwanan na lang niya kami ni Rhycka nang ganito.

I'm doing this not only for myself but for Rhycka as well. Kailangan kong gumawa ng paraan para makausap siya.

---

Maaga pa lang ay gumising na ako. Mabuti na lang at tulog pa si Rhycka, may time ako para mag meditate. I need this to relieve my stress and invite some positive energy in my senses.

Binuksan ko ang bintana at agad kong nasamyo ang malamig na hangin. Nakita kong medyo madilim pa ang paligid dahil maga-alas singko pa lang ng madaling araw.

I sat in an indian seat position on the carpeted floor facing the window. I closed my eyes and inhaled the fresh air taking in some positive thoughts about life. As I exhale, I imagined throwing out all the negative feelings and thoughts that I had for the past few days. I repeated this for ten to fifteen times until I'm finally energized.

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon