Chapter 16

75 20 4
                                    

A/N: Hello sa mga bagong mambabasa! Kung nakarating na po kayo rito sa part na ito, nais ko lang pong sabihin na hindi pa po edited ito (Chapter 1-15 pa lang po ang edited). Baka malito po kasi kayo sa paraan ng pagkakasulat (medyo jeje kasi🤭) saka sa sequence pero ganito pa rin naman po ang flow ng kwento. Pwede n'yo naman pong ituloy-tuloy ang pagbabasa kung gusto nyo naman po. 🙂

Nakaupo ako dito sa bar stool nang lumapit sa akin si Marco. Tapos na ang program at party party na lang. At ang mga kasama ko? Ayun mga lasing at nagsi swimming na kasama ng iba pa naming mga kaklase. Nakapagpalit na din ako ng swimming attire.. nakasuot na ako ng yellow one piece swimsuit. Umiinom ako ng brandy nang lumapit sa akin si Marco.

"Hey! Bakit mag isa ka dyan?" Nakangiting tanong niya habang papalapit sa akin. May hawak siyang bote ng beer sa kaliwang kamay.

"Hindi na ako mag isa ngayon, andyan ka na eh. Dun ka na nga para magisa na ulit ako."

"Sungit." Umupo siya sa stool na katabi ng sa akin. "Wag pakalasing ha."

Napa poker face naman ako. "Ano tingin mo sa'kin? Mahina?"

Pero sa totoo lang medyo tipsy na din ako kaya nga naupo na lang ako dito.

Nahinto ang party music nang magsalita si Rye. Kasama niya sa stage si Joy at may dala dala silang isang bag ng marshmallows.

"Guys attention please! Time na para sa games!"

"Woooooo!!!"

Nagpalakpakan naman kami at umahon muna mula sa swimming pool ang mga nagsi swimming.

"Laro muna tayo ha. Magbubunutan muna tayo." Lumapit sa amin si Joy at may dalang box. Pinagbunot kami tig iisa. Binuksan ko ang nabunot ko at number 2 ang nakasulat dun.

"Okay..lahat ng number 1, pumila dito sa kaliwa. Lahat naman ng number 2 pumila dito sa kanan." Sigaw ni Joy habang nagbibigay ng instruction.

"Amiga, anong number ka?" Tanong ni Joyce sa akin.

"Number 2 ako."

"Yowwnn pare parehas pala tayo eh." Nakangiting sabi ni Vanna.

"Ano ba yan ako lang naiba." Nakairap naman si AJ at nagpapapadyak pa.

"Okay guys ayusin nyo na yung pila nyo dapat alternate ha.. boy, girl..boy, girl ganern!" Tumatawang sabi ni Rye.

"Naks magkakampi pala tayo!" Nakangising pa tong Marco na to. Bale ang pwesto namin ay ganito:

Jen
Marco
Ako
Ethan
Vanna
Red
Joyce

"Ang game natin ay tinatawag na... Dandanananan..."

"Pasahan ng marshmallows!" Tumatawang sigaw ni Joy."

Naglagay sila ng mga marshmallows sa plate. Nakalagay yun sa unahan. Sa katabi nun ay may extra plate na walang laman.

"Ganito ang gagawin guys, yung nasa unahan ay kukuha dito ng marshmallow gamit ang ngipin. Pagkatapos, pagpapasa pasahan yun gamit lang ang bibig. Take note guys ha yung mga kamay nyo nasa likod nyo lang bawal manghawak. Ingatan nyong wag mahulog yung marshmallows kasi uulit kayo pag nagkataon. Then yung nasa pinakahulihan, kapag napasa na sa kanya yung mallows, tatakbo siya at ilalagay dito sa isang plate. Gets nyo ba?"

"Sample nyo muna ang gulo ng instruction nyo!" Mataray na sigaw ni AJ. Mukhang badtrip eh. Di yata type yung nasa unahan niya. Nagfeeling babae kasi kaya ayun lalake yung nasa unahan niya. Yung kaklase naming majubis na kamukha ni Jollibee. Tapos yung nasa likod naman niya, yung kaklase naming si Jerome na napaka mabuhok ng katawan.

Nagsample nga sila Rye at Joy. At yun nga jusko parang gusto kong kabahan. Baka mamaya makahalikan ko pa ng di oras tong Marco at Ethan na to. Parang gusto kong kilabutan OMG!

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon