Chapter 9: Something's Weird

90 23 2
                                    

One week na mula noong huli kaming magkausap ni Jed... pero hanggang ngayon, ni tawag or text ay wala akong natatanggap mula sa kanya.

Aaminin ko, naging mataas rin ang pride ko. Hindi rin ako sumubok na makipag communicate sa kanya. Ayaw ko naman kasing ako ang gagawa ng first move... hindi naman ako ang may kasalanan.

Pero miss na miss ko na ang asawa ko...

Hindi naman siguro nakakababa ng pagkababae kung ako na ang mauunang manuyo.

"Beshy, sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Seryosong tanong sa akin ni Venice.

Agad siyang pumunta rito sa unit ko nang sabihin ko sa kanya na na-approved na ang visa ko at bukas na ang flight ko papuntang Japan.

"Yes, beshy. Ayaw ko nang ganito kami ni Jed.  Gusto kong ayusin namin 'to once and for all."

Napansin ko ang malungkot na mukha ng kaibigan ko habang nag-eempake ako ng mga gamit. Kaya naman ay biniro ko siya.

"Bakit malungkot ang beshy ko?" natatawang sabi ko sa kanya.

Inirapan naman niya ako. "Eh pa'no iiwan mo 'ko." Umarte pa siya na parang iiyak.

"One week lang ako 'don, loka! Aayusin ko lang yung issue namin ni Jed. Pero malay mo, mapagdesisyunan namin na doon na rin ako mag work para magkasama na kami. Mahirap pala ang LDR eh..."

"Oh kita mo na! Gara mo, iiwanan mo na pala ako. Hindi ka man lang nag-aabiso." galit galitang wika niya.

Nagsimula akong makaramdam ng kaba dahil baka dibdibin niya itong pag-alis ko.

Lumapit ako sa kanya at nagpapaunawang tumingin sa kanyang mga mata. "Beshy..."

Nagulat ako nang bigla siyang tumawa nang malakas. "Umaarte lang ako gaga! Push mo na 'yan!"

Nahampas ko tuloy siya sa braso nang dahil doon. "Loka loka ka talaga!"

"Basta, ayusin n'yo na 'yang issue n'yo, huh?

"Oo naman. Ayoko nang magkagalit kami."

"Naku beshy, nagapas mo na ba 'yang kabukiran mo?" may pagka malisyosang tanong niya.

"Maka-bukid ka naman! Hindi naman madamo 'tong akin!" natatawang sagot ko naman sabay hampas na naman sa braso niya.

"Ayieee... panigurado mamumukadkad na naman ang pechay mo n'yan, dzai!"

Pagkasabi niya no'n ay hindi ko maiwasang pang initan ng mga pisngi. Naalala ko kasi ang asawa ko at kung gaano kainit sa kama ito. Wala naman kasing araw na hindi ako inaangkin nito sa tuwing magkasama kami.

"Uyyy... nai-imagine niya!"

Napaka malisyosa talaga ng babaeng 'to!

Nakaramdam tuloy ako ng pagkahiya dahil may katotohanan ang sinabi niya. Kaya naman para pagtakpan iyon ay pinandilatan ko siya ng mga mata.

"Tumigil ka nga d'yan! Tulungan mo na lang ako rito at mamaya'y samahan mo ako sa salon."

"Kaka-salon lang natin noong isang araw, ah? Ano naman ang ipapagawa mo?" nagtatakang tanong niya.

"Ano pa ba? Eh 'di magpapa-brazilian wax!"

"Wow, ang taray ng beshy ko! Palaban talaga!" tuwang tuwang sinundot sundot niya ako sa tagiliran habang ako naman ay nagtitili dahil sa pagka-kiliti.

"Alam ba ni Jed na papunta ka ng Japan tomorrow?" tanong ni Venice nang makalabas kami sa salon.

Na-inggit raw siya sa akin kaya nagpa-brazilian wax na rin siya. Nagpa-polygel nail extension na rin kami at ngayon nga ay parehas kami ng design ng mga kuko!

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon